26
MAY 2025
Di Naman sa Pag-aano …
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.
Mga Taga-Roma 12:3
“Di naman sa pag-aano, pero …” Naku, eto na naman po siya, tahimik na sambit ni Norma sa sarili. Tuwing ganito ang simula ng pananalita ng kanyang kaibigang si Tess, alam na ni Norma ang kasunod. Either magyayabang, manlalait, o mangungutya ito. Bakit nga ba ganun? Does saying “di naman sa pag-aano” give us a license to criticize others? Does this phrase all of a sudden make us humble in our pagyayabang? Ayaw na sanang marinig ni Norma kung gaano na naman kagaling ang kanyang kaibigan, at kung gaano kawalang-kuwenta ang ibang tao. Mabait naman ang bestie niya, if only Tess can stop the constant bragging and mocking of others. How can she lovingly correct her friend without losing the friendship?
Humor saved the day for Norma. May bigla siyang naalalang joke na maaaring makapagpatigil sa pagyayabang ng kanyang friend. “Tess, lapit ka sa akin,” sabi ni Norma, sabay buga ng hininga sa mukha ng friend, “May bad breath ba ako?” Nanlaki ang mga mata ni Tess, “Ahh, wala naman. Bakit?” Sagot ng pilyang Norma, “Ay, mabuti ka pa meron!” sabay halakhak. Di malaman in Tess kung paano magri-react. Does she really have bad breath? She covered her mouth and tried to smell her breath. Nagpatuloy si Norma na kunwa’y dedma, “Tess, talagang da best ka, bestie! Di naman sa pag-aano ha, pero ikaw na ang meron ng lahat!” Medyo natigilan nga si Tess, not really understanding what hit her. Hopefully, she’ll figure it out in a few hours. “O, joke lang. Tara, ice cream muna tayo!” ang yaya ni Norma, while silently praying that Tess would have an encounter with the Holy Spirit who can teach her about humility.
LET’S PRAY
Heavenly Father, nawa’y paalalahanan N’yo po kami na di na namin kailangan pang magyabang. Love N’yo naman po kami as we are — in our successes and in our failures. There will always be someone better or worse than us, and that’s OK, wala namang pong kumpetisyon. We ask for Your grace to be secure in who we are in You. Turuan N’yo po kami to learn how to lift up others instead. In Jesus’ name, we pray. Amen.
APPLICATION
Isulat itong 3 Cs: COMPARE. COMPETE. CRITICIZE. Basahin bago magsalita. Avoid these three Cs at all costs!
SHARE THIS QUOTE
