23

OCTOBER 2026

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Honeylet Adajar-Velves

Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo’y aking ililigtas, ako’y inyong pupurihin.”

Awit 50:15

Ngayong panahon na napakadali nang magpalit ng mobile numbers, it is very rare to see someone who still has the same contact number from 5 years ago. Sabi ng isang article published in February 2025 na ang mga taong may ganoon pa ring numero for 7years now can be seen as reliable and trustworthy.

Paano ito nasabi? Dahil ibig sabihin, ang mga ganitong klase ng tao ay walang tinatakbuhan na responsibilidad. Malamang, they have good credit scores. And they are willing to be reached at anytime of the day dahil wala silang nilokong tao o kailangang itago.

Sa ating buhay, siguradong meron tayong isang laging trustworthy and reliable contact person na puwede nating tawagan anumang oras natin gustuhin – si God. Laging open ang linya Niya para sa atin. To know that He is the same yesterday, today, and forever is very reassuring for us. Kahit anong sitwasyon, basta tumawag lang tayo sa Kanya, ililigtas Niya tayo. Ang mga ipinangako Niya sa atin simula nung umpisa, lumipas man ang mga taon, hindi ito nagbabago. Nanatili Siyang totoo sa Kanyang mga salita. Kaya ano pang hinihintay natin? Let us call on God.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, maraming salamat po sa napakagandang reminder na ito, na meron akong Diyos na hindi nagbabago at puwede kong asahan kahit kailan. Inilalapit ko po sa Inyo ang aking sitwasyon. Tulungan po Ninyo akong mapagtagumpayan ang hamon na ito. Gaya ng sinabi Ninyo sa Inyong salita, ako ay Inyong ililigtas at Kayo ay aking pupurihin. Sa Inyo po ako umaasa at nagtitiwala, sa pangalan ng Panginoong Jesus. Amen.

APPLICATION

I-share ang devotion na ito sa limang taong alam mong nangangailangan ng tulong. Nawa ay ma-encourage rin silang lumapit sa Panginoon sa gitna ng kanilang pinagdadaanan sa buhay. Be a blessing today!      

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 9 =