18

JANUARY 2023

Director’s Hat

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Precious Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Karen Mae C. Guarin

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Filipos 4:6–7

Quiet on the set. In 3, 2, 1… action!

 

Iyan ang madalas sabihin ng film or TV director. Pero minsan, we also play the role of a director. We overthink by playing different scenarios in our head patungkol sa ating situation. Your subconscious mind tells you that doing this will prepare you for uncertainties. Ang dami mo tuloy pinagdadaanang emosyon. Nakaka-stress, ‘di ba? More often than not, worrying makes you do and say the wrong things. Ang ending, more regrets than relief.

We can stop the cycle of worrying. Hindi puwedeng sunud-sunuran tayo sa lahat ng idi-dictate ng isip at emosyon natin. In today’s verse, Paul teaches us that prayer is the antidote for worrying. He instructed us to bring our concerns to God and pray with thanksgiving. When we do this, we take off the director’s hat and give it back to Jesus. We humbly admit that He is the only one who can help us. Kapag naman inisa-isa natin ang blessings that we receive from Him, we recognize na meron pa ring magagandang bagay na nangyayari sa atin. It gives us an indescribable peace and makes us realize that not everything is bad after all. Kaya naman, now’s the time to pray and say to your worries, “It’s a wrap!”

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Jesus, I surrender all my concerns to You. Thank You that despite life’s challenges, hindi Ka nagkulang sa akin. Salamat po sa lahat ng blessings Mo. I entrust everything to You. Amen.

APPLICATION

Worried or not, make it a habit to pray with thanksgiving and let His peace reign over you. Go now to your Prayer List and begin praying for your concerns.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 2 =