18
MARCH 2026
Don’t Show, Don’t Tell
“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari.”
Mateo 6:2
Usong-uso ang giant presentation checks kapag merong perang inaaward, lalo na kung donation ito sa isang humanitarian organization or ministry. Maganda kasing ihighlight ang ibinigay sa isang charity event. Hinding-hindi mamimiss ang photo opportunity for press release. Perfect for show and tell!
Pero bakit “don’t show, don’t tell” ang itinuturo sa Bible when it comes to giving or helping someone in need? Matthew quotes Jesus who said, “Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila’y mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag naglimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan. Gawin mong lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo” (Mateo 6:2–4).
So dapat bang maging anonymous ang ating giving all the time? Well, it doesn’t have to be. Maging honest lang dapat tayo sa ating motivation at siguraduhing wala tayong hidden agenda. Hindi iyong nagbibigay tayo dahil gusto nating ipagsigawan sa buong mundo ang laki ng halaga na ibinibigay natin o kung gaano kabuti ang ating kalooban kaya we deserve praise.
Gayahin natin ang mga taong matuwid na nagpapakain sa mga nagugutom at nagpapainom sa mga nauuhaw. Ang nagpapatuloy sa dayuhan kung ito ay kumakatok sa pintuan. Ang nagdadamit sa walang kasuotan. Ang dumadalaw sa maysakit at sa mga bilanggo. Bukas ang kanilang palad at walang inaasahang kapalit. Kaya nang tanungin si Jesus kung kailan ginawa ang mga bagay na ito sa Kanya, ang sabi Niya ay, “Nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan” (Mateo 25:35–40).
We don’t know when the opportunity to help will present itself. But let’s be ready to cheerfully give, without any expectation to be repaid or to receive applause from people.
LET’S PRAY
Heavenly Father, thank You for allowing me to receive Your blessing so I can bless others in return. May I bring glory to Your name always!
APPLICATION
Ask the Lord to bring you two people whom you can help according to the Holy Spirit’s leading.
SHARE THIS QUOTE
