26

DECEMBER 2024

Driver ng Buhay

by | 202412, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Joshene Bersales

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.”

Mateo 16:24

Bahagi na ng buhay ng maraming Pinoy ang jeepney. Para sa mga walang sariling sasakyan, isa itong common mode of transportation na nagdadala sa kanila mula sa isang lugar papunta sa isa pang lugar. Kaya naman napakahalaga ng tungkulin ng isang jeepney driver. Kailangan alam niya ang route ng biyahe. Dapat kaya niyang magmultitask sa pagmamaneho, pagtanggap ng bayad, at pagbibigay ng tamang sukli. Dapat sumusunod din sa traffic rules at maingat magmaneho ang isang jeepney driver. Hawak kasi niya sa mga kamay niya ang kapakanan ng kanyang mga pasahero. 

Kung meron driver ang jeep, meron din driver ang buhay natin. Ito yung nasa driver’s seat na nagko-kontrol kung saan tayo pupunta at kung ano ang gagawin natin sa araw-araw. Ang tanong, sino ba ang driver ng buhay mo? Ang sarili mo ba? Isang tao na iniidolo mo? Isang person of power or authority na pinagkakatiwalaan mo with your hopes and dreams? 

Alam ba ninyo kung sino ang best driver ng buhay natin? Si Jesus. Kung hahayaan natin Siyang maupo sa driver’s seat of our life, sigurado tayo na magiging fulfilling ang biyahe natin. Kahit masikip ang daan at may mga lubak along the way, ligtas pa rin tayong makakarating sa ating pupuntahan dahil maingat Siyang magmaneho. Kampante tayong hindi tayo maliligaw kasi sa right path lang Niya tayo idadaan.

Mahirap talagang bitiwan ang manibela kung hindi tayo confident na mahusay ang papalit na driver. Pero iba si Jesus. If we let go of our life’s wheel, kung hahayaan natin Siya to take the lead, nangangako Siyang makakatanggap tayo ng reward in time (Mateo 16:27). And oh, how great this reward will be!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, salamat for being the best driver of our lives. Tulungan Mo po akong bitiwan ang manibela ng aking buhay at i-entrust ang biyahe nito sa Iyo. Amen.

APPLICATION

Think of an area in your life (e.g., career, love life, family) na hindi mo pa naisusuko kay Jesus. Ask Him na tulungan kang ipagkatiwala sa Kanya ang area na ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 11 =