28

JULY 2024

Magaling Magpaalala

by | 202407, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Marlene Legaspi-Munar

“Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Juan 14:26

“Ate, may extra ka bang three thousand? Puwede bang makahiram?” tanong ng kapatid ni Tess.

“Bakit?” usisa ni Tess.

“Due date na kasi ngayon ng mga babayaran kong bills.”

Pinahiram naman ni Tess ang kanyang kapatid, at nagpasalamat ito sa kanya. Pero nagpasalamat din si Tess dahil sa pangungutang ng kanyang kapatid, na-remind siya na due date na nga rin pala ng kanyang SSS contribution. Na-realize niya na paraan din ‘yun ng Holy Spirit para ipaalala sa kanya ang bagay na nawala na sa isip niya.

Alam ng Diyos ang limitasyon ng ating pag-iisip at kakayahang makaaala kaya pinadala Niya ang Kanyang Holy Spirit para mapaalalahanan tayo tungkol sa maraming bagay, lalo na tungkol sa mga turo ni Jesus. Sinabi ni Jesus sa Kanyang disciples na ang Holy Spirit, “ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Kaya kapag nagbasa tayo ng Bible o nakinig sa Sunday sermon, sooner or later, we would be in a situation where we would be called upon to respond the way God would want us to react. The Holy Spirit would then remind us of a particular truth from God’s Word, which we heard or read about.

Kapag hindi tayo confident kung paano sagutin ang mga taong nagtatanong tungkol sa ating pananampalataya, ang Holy Spirit ang magtuturo sa atin kung anong sasabihin (Lucas 12:11–12; Mga Taga-Colosas 4:5–6).

Kapag may problema tayo, ang Holy Spirit din ang magpapaalala sa atin ng mga pangako ng Diyos.

At dahil concerned ang Diyos sa lahat ng parte ng buhay natin, kahit mga tila simple, pero mahalagang bagay, ay magagawa rin Niyang ipaalala sa atin — gaya ng bills na hindi pa natin nababayaran.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Maraming salamat, Father God, for sending Your Holy Spirit to teach us and remind us of all things. I appreciate You, Holy Spirit, for explaining and reminding me about the teachings of Jesus.

APPLICATION

Make it a habit to ask the Holy Spirit to remind you of the things you always tend to forget.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 7 =