19
JUNE 2024
Encourage One Another to Serve Well
Today is a good day to do something good for others. Let’s find more inspiration from the last part of our series “Serve Like Jesus.”
Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.
Mga Hebreo 10:24–25
Hoy, gising! Natutulog ka ba sa pansitan? There are times when we want to do good but we simply can’t! Nakaka-frustrate, ‘di ba? Paano ba tayo magpapatuloy sa paggawa ng mabuti at sa paglilingkod sa isa’t isa? Gusto mong sumunod sa utos ng ating Diyos pero hindi mo naman magawa.
Sa pangatlong bahagi ng ating series na “Serve Like Jesus,” we are reminded today that we belong to a community of believers who can spur us to do good works and to serve one another.. Kailangan natin ang lakas ng bawat isa. Para tayong mga nag-aapoy na kahoy. By itself, mabilis na mamatay ang apoy. Pero kapag idinikit sa ibang kahoy na nag-aapoy din, lalong lalakas ang apoy — magniningas, lalaki, at tatagal.
This illustrates why it’s important to meet with other fellow believers. Take note, “gaya ng nakasanayan ng iba.” May mga taong sadyang mahiyain at ayaw makisalamuha sa iba. Pero kailangan nating sanayin ang ating mga sarili na makifellowship sa ibang Cristiano. Hindi naman inutos na makipagtipon ka sa buong simbahan or sa napakalaking group. A small group of friends who love to follow Jesus will be enough to help. Tulad ng kapag nasanay na ang ating katawan sa pag-eexercise at mami-miss natin ito kapag hindi nagawa, hahanap-hanapin din natin ang fellowship with others kung nakaligtaan natin ito.
Ano ba ang nangyayari kapag tayo ay nakipag-fellowship? Lalakas ang ating loob. Kung nanghihina tayo spiritually, mas kailangan nating maghanap ng grupo. Marami sa atin ang nagsasarili kapag nanghihina. Pero ang totoo, kailangan natin ang bawat isa upang lumakas ang ating loob.
May pagkakataon na tayo naman ang nakakapagbigay–lakas sa ka-fellowship natin. Akala natin walang silbi ang ating pag-attend ng fellowship. But we will be pleasantly surprised kasi others will be encouraged by even our mere presence. Ang ating pagbati sa kanila, ang ating mga ngiti or kahit ang ating pag-iyak, ay nakatutulong sa kanila. We mutually encourage one another in this way. We may not always have happy stories to tell but just showing up may light up the face of other believers. And when we fellowship with others, we have opportunities to serve them.
Thank you for joining us for our series “Serve Like Jesus.” We are here to serve you always by sharing inspiring and life-changing messages from the Word of God.
LET’S PRAY
Lord Jesus, salamat at hindi ako nag-iisa. Salamat sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa mga ka–grupo ko. Help me to encourage them in the same way that they encourage me to do good works.
APPLICATION
As you pray today, ask God to reveal to you who among your friends need encouragement. Call him/her up and set a time when you can meet and pray for him/her.