8
FEBRUARY 2026
End-of-Life Request
“… Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!”
Mga Gawa 7:60
May malubhang sakit si Charles kaya ang hiling niya ay makitang muli ang kanyang kaisa-isang anak bago siya mamatay. So he hired a private detective to find his daughter who disappeared after graduating from high school. Natagpuan nga siya pero sa kasamaang-palad ay tumanggi ito to establish any connection with him. Pati ang pamanang iniwan niya ay tinanggihan rin. Buhay o patay, it was clear that she didn’t want anything to do with her father, and there was no place for forgiveness in her heart for him.
Contrast that to Stephen, isang alagad ni Jesus, na hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng stoning, dahil sa isang controversial speech na idiniliver niya sa Sanhedrin. Sa gitna ng pangyayaring ito, nanalangin siya para sa sarili; pero higit sa lahat, ipinag-pray niya ang mga bumabato sa kanya.
Bago bawian ng buhay, sumigaw siya ng, “Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!’” (Mga Gawa 7:60). May pahabol siyang end-of-life request! Bakit ang last thoughts niya ay ang ihingi ng tawad sa Diyos ang mga taong nambato sa kanya? Bakit hindi niya naisip na hilingin ang kaparusahan nila, which is what they deserve because they have his blood on their hands?
Una, naging halimbawa niya kasi si Jesus. Si Jesus ay nagbitiw rin ng ganyang mga salita noong Siya ay nakapako sa krus. He asked His Father to forgive the people who put Him on the cross and didn’t know any better in their own sinfulness. Hindi man sinabing witness si Stephen nang araw na iyon, kasama siguro ito sa kuwento ng mga alagad ni Jesus at ito ay naging isang magandang ehemplo sa kanya.
Pangalawa, Stephen was filled with the Holy Spirit even before they stoned him. When he looked up to pray, nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Jesus (Mga Gawa 7:55). Alam niya kung sino ang naghihintay sa kanya kaya maluwag niyang ipinagkatiwala ang kanyang buhay sa Panginoon.
Ikaw, iniisip mo na ba ang iyong end-of-life request?
LET’S PRAY
Ama, turuan po Ninyo akong magtiwala sa Inyo at matutong magpatawad sa lahat ng nakasakit sa akin bago pa ako dumating sa bingit ng kamatayan.
APPLICATION
Humanap ng tatlong Bible verses tungkol sa forgiveness. Isulat ang mga pangalan ng mga taong naisip mong patawarin. Gawin mo ito.
SHARE THIS QUOTE
