29

APRIL 2023

Evangelism as Generosity

by | 202304, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Michellan Alagao

Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.

Mateo 10:8b

Naranasan mo na bang malibre ng kaibigan ng lunch o ng sine na hindi mo ine-expect? Ang sarap ng feeling, di ba? Nakaka-good vibes ‘yung makatanggap ng isang bagay na walang bayad. Paano kung sabihan ka ng friend mo na next time, manglibre ka rin ng iba? Okay lang ba iyon sa iyo?

Matapos sabihin ni Jesus sa mga disciple ang kanilang mga dapat gawin at puntahan, pinaalala Niya sa kanila: “Freely you have received; freely give” (Matthew 10:8). Hindi lang tayo nilibre ng pagkain o sine ng Panginoon — pinalaya Niya tayo sa sin at binigyan ng grasya. Ang paalala lang Niya? Magbigay din tayo ng walang bayad. From Jesus, we have received the Good News and all sorts of blessings. Dapat natin i-share ang Gospel generously, sa lahat ng gustong makinig, na walang agenda o bayad. Minsan, hindi natin nashe-share ang Good News dahil iniisip natin na baka hindi naman makikinig ang taong ito, o hindi naman siya sasama sa akin sa church ko, o hindi magjo-join sa small group ko. Hindi natin nare-realize na nilalagyan natin ng “conditions” ang pag-share ng Good News. Sinasabi natin sa sarili natin, “I’ll share only if …” 

But evangelism is not just a responsibility; it is a form of generosity. Ang pag-share ng Magandang Balita sa isang tao ay blessing. Ibinigay ito sa atin ng libre, at dapat din natin ito ibigay sa iba in a spirit of generosity. When there is an opportunity to share, try lang. Kung ayaw nila tanggapin, itaas na lang natin sila sa Panginoon in prayer. We have done our part in freely giving what we have freely received, with joy and humility.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, help me to be generous enough to share freely what I have received freely from You, in Jesus’ name.

APPLICATION

Ask the Lord to give you an opportunity to be generous with sharing the Gospel to someone — in word and deed — this week.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 4 =