17

DECEMBER 2022

Experiencing True Joy

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Monica Serreon

Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom sapagkat iyon ay itinakda ng Diyos para sa iyo.

Ang Mangangaral 9:7

“Live today as if there’s no tomorrow.” Familiar ka ba sa mindset na ito? Sky’s the limit daw kaya kapag may party, sasagarin talaga ang sarili. Kung makahawak naman ng pera, one day millionaire kung umasta. Nag-binge watch ng paboritong series kaya kinabukasan, puyat at walang maisagot sa exam. May mga tao namang adik sa pagiging successful. Kaso, in the person’s effort to reach the top, kinalimutan na ang lahat.

For some people, sa dulo ng buhay nila, may pagsisisi. Makikipag-negotiate sila sa Diyos na i-extend pa ang buhay nila dahil marami pa silang gustong gawin. Doon pa lang nila marerealize na hiram lang pala ang kanilang buhay. Ang Diyos ang tunay na may-ari nito.

We can learn a lesson from the book of Ecclesiastes. Diniscuss dito ang limitasyon ng tao and meaning of life. In chapter 9, verse 7 we read, “Go, eat your food with gladness, and drink your wine with a joyful heart, for God has already approved what you do.”

Matapos ng mahabang litanya tungkol sa buhay ay sinabi ng mangangaral na mag-enjoy tayo, maging masaya at mag-celebrate, pero huwag nating i-miss out ang sinabi sa dulo ng verse: Dapat ay ang Diyos mismo ang tumanggap o mag-aprub sa ating mga gawa.

Ang meaning ng life ay hindi naka-base sa sarili mong interpretation or sa quote mula sa isang libro or sinabi sa thread na nakita mo sa Twitter. Nararapat na sa Manlilikha lamang manggaling ang tunay na kahulugan nito. He is not against us experiencing any joy. What He wants is for us to enjoy life with Him and savor the blessings that can only come from His hands.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, itama po Ninyo ang aking puso. Bigyan po Ninyo ako ng lakas na mabuhay nang naaayon sa kagustuhan Ninyo. Nais kong ma-experience ang totoong enjoyment at kasiyahan na galing sa Inyo. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

This week, strive to answer these questions: “What needs to be removed from my life and what needs to be changed in me? How will I gain God’s approval and experience His joy?” Pray and ask God to speak to your heart.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 1 =