18

DECEMBER 2022

And Sarah Laughed

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Sheena Lee Palad & Written by Shiara Denise Cano

Lihim na natawa si Sara at nagwika sa sarili, “Ngayong ako’y matanda na pati ang aking asawa, masisiyahan pa kaya ako sa pakikipagtalik?”

Genesis 18:12

Bakit nga ba natawa si Sarah?

Una sa lahat, ang katawan niya ay wala nang kakayahang magbuntis. Silang dalawa ni Abraham ay parehong matanda na. He was ninety-nine years old at that time while Sarah was eighty-nine. So sino ba ang hindi matatawa sa narinig niya?

Marahil may mga ganito tayong scenario sa buhay na at first, hindi natin maintindihan ang reasoning behind sa plano ng Diyos. Isipin mo na lang si Noah who was tasked to build an ark. He made the ark for 120 years at malamang ay pinagtawanan siya ng maraming tao. Paano naman, nung panahon na ‘yon ay never pang bumaha. But Noah listened and obeyed God.

Another example ay ang prophet Ezekiel. Isa sa pinagawa sa kanya ng Panginoon ay ang pag-bake ng tinapay gamit ang dumi ng tao bilang panggatong. Ipinagawa pa sa kanya ito sa harapan ng mga tao (Ezekiel 4:12). Ito naman ay isang mensahe kung ano ang gagawin sa kanila ng Diyos.

Ikaw ba ay may mga ganitong moment sa buhay? Nagtiwala ka ba sa Panginoon o nagduda ka? If God tells you something na parang medyo kakaiba, it would be best to pray for it. Gaya ng sabi sa 1 Thessalonians 5:21, “Prove all things, hold fast that which is good.” If you don’t pray about it, hindi mo malalaman.

Obedience leads us to faith. May we always listen to the message we receive from God.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Almighty God, if ever may ipagawa po Kayo sa akin na sa tingin ko ay nakakatawa o imposible, remind me that You are the God of impossibilities. May I never doubt the things You ask me to do. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Even if you don’t completely understand what the Lord wants you to do, magtiwala ka pa rin. Pray and put your faith in God sa mga bagay na pinapagawa Niya sa iyo. Then you will see how the hand of God will move sa gitna ng mga bagay na imposible.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 14 =