23

OCTOBER 2022

Faith and Faithfulness in Difficult Times

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Karen Timbol & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya’t pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala.

Mga Panaghoy 3:25–26

Nagkaroon na ba ng period sa buhay mo na tuloy-tuloy ang dating ng mga problema? If yes, makaka-relate much ka kay Joseph ng Old Testament. He was privileged may pag-aaaring lupa ang pamilya niya, at siya ang paboritong anak. At age 17, the Lord revealed to him through a dream that one day, his brothers will bow before him.

Dala na siguro ng impulsiveness of being a teenager, hindi niya naiwasang mag-humble brag tungkol dito. Ang inggit ng mga kapatid niya turned into anger. Pinagplanuhan nilang patayin si Joseph but ended up selling him as a slave. Sinabi nila sa kanilang ama na namatay si Joseph. They knew this will devastate him, but they did not care.

Napunta si Joseph sa bahay ni Potifar, ang kapitan ng mga guwardya ng Pharaoh. From being a favored son, he became somebody’s servant. With all humbleness, nanilbihan siya nang tapat sa kanyang amo. Napansin ni Potifar that Joseph excelled in everything he did. Dahil dito, ginawa niyang katiwala si Joseph para i-manage ang lahat ng kanyang ari-arian.

It surely didn’t escape Joseph’s attention na mataas ang posisyon ng taong pinagsisilbihan niya. Maging daan kaya ito para magkatotoo ang panaginip niyangluluhod sa harapan niya ng kanyang mga kapatid, pati na ang buo nilang pamilya? Posibleng umasa si Joseph na magtuloy-tuloy na ang magagandang nangyayari sa buhay niya, pero nagkagusto sa kanya ang asawa ni Potifar. Tinanggihan niya ito dahil ayaw niyang magkasala. Para makaganti, she falsely accused him of wrongdoing at nakulong si Joseph.

Nakakarelate ka ba sa kanya? Na kung kailan akala mo, things are getting better, biglang lalala ang lahat? The Bible tells us to expect problems and trials (John 16:33) but if we trust in the Lord, we can be assured na tutulungan Niya tayo. Pinili ni Joseph na panghawakan ang kanyang faith. Ito ang nagtawid sa kanya in his most trying times in jail.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, pagod na pagod na po ako. Minsan, gusto ko nang bumitaw. Strengthen my faith as I think about how You worked in the life of Joseph. Alam kong Ikaw lang ang maaasahan ko.

APPLICATION

Basahin ang Genesis 37 and 39:1–20 to get a better appreciation of the start of Joseph’s story.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 8 =