28
JANUARY 2025
Feeling Rejected Ka Ba?
Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.
Awit 27:10
“Wala kaming anak na pangit. Sana talaga hindi ka na lang nabuhay.”
Ito ang mga masakit na salitang binitawan ng ama ni Gem. Lumaki kasi si Gem na may malaking birthmark na halos sumakop na sa kanyang mukha. Kapansin-pansin ang pagkakaiba niya sa kanyang mga kapatid at may kani-kanyang paborito ang kanyang ama at ina sa kanila. Dahil dito, ramdam ni Gem ang kawalan ng pagmamahal ng kanyang mga magulang habang siya ay lumalaki. Gem felt rejected. Naging mababa ang tingin niya sa sarili at nahirapan siyang makipag-relate sa iba sa takot na ma-reject siyang muli kagaya ng ginawa sa kanya ng kanyang mga magulang.
Naranasan mo rin bang ma-reject ng sarili mong ama at ina? Yung nalaman mong sinubukan kang ipa-abort o ipamigay sa iba, o kaya naman, madalas kang ikumpara sa iyong mga kapatid? Kakaibang sakit ang naidudulot kapag mismong mga magulang natin ang nag-reject sa atin. Malalim ang sugat dahil sila ang inaasahan natin na magmamahal sa atin unconditionally.
“Sinong tatanggap at magmamahal sa akin?” ang tanong mo.
Sa tulong ng Panginoon ay may pag-asang maghilom ang sugat na dala ng rejection ng mga magulang mo. Alam ni Jesus ang pakiramdam na ma-reject ng taong mahal mo dahil na-reject na rin Siya. Sasamahan ka Niya sa iyong paglalakbay. Hindi mo na kailangang paghirapan para matanggap at mahalin ng iba. Hayaan mong pawiin Niya ang matinding uhaw mo sa pagmamahal. Tutulungan ka ng Panginoon na makita mo ang iyong sarili sa Kanyang paningin bilang isang pinakamamahal na anak.
LET’S PRAY
Panginoon, dinadala ko sa Iyo ang sakit ng rejection dulot ng aking mga magulang. Tulungan Mo akong maramdaman ang Iyong pagtanggap at pagmamahal sa akin. Muli Mong buksan ang aking puso upang makakilala ng mga taong makakasama ko sa aking paglalakbay. Sa ngalan ni Jesus, Amen.
APPLICATION
Give God a chance na katagpuin ka Niya sa lalim ng rejection na iyong nararamdaman. Maaari mong i-meditate ang Awit 27:10.
SHARE THIS QUOTE
