29

JANUARY 2025

Asan ang Asin?

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Beng Alba-Jones

Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?

Mateo 5:13

Naglilipat ng bahay sina Mameng. Ipapasok na sana nila ang appliances tulad ng ref, electric fan, at microwave nang bigla itong napasigaw: “Asan ang asin?! Ipasok muna ang asin!”

For the longest time, pamahiin ng maraming Pilipino ang paglalagay ng asin sa bagong nililipatang bahay. Pampasuwerte raw, sabi nila. But while there is no scientific explanation to confirm na epektib nga ito, tama naman na importante talaga ang asin — sa bahay at sa buhay.

In Jesus’ time, He talked about believers being salt of the earth. Among the many functions of salt tulad ng pampalasa ng pagkain, preservative din ito. Kung gusto mong huwag masira ang sariwang isda, asinan mo ito. Para icounteract ang pagkasira ng mundo, kailangan ng Cristiano. Let’s take for instance the experience of Joshua, an accountant. To make their company’s profits look higher at para lumiit ang babayarang tax, the manager asked him na madyikin ang numbers nila. But as a Christian, labag ito sa paniniwala ni Joshua. In fact, he told his boss, “Sorry po but I cannot do this. God can see what I am doing, inside and outside of this office. If this means termination for me, tatanggapin ko po. Mas importante po sa akin ang Diyos kaysa sa trabahong ito.” Joshua was ready to lose it all to do what is right and honor God. He truly acted as salt, as a preservative, in his office. How? Dahil hindi siya pumayag na gumawa ng masama na ikakasira ng pangalan at integrity ng kumpanya nila.

Tayo kaya? Maging sing-alat sana tayo katulad ni Joshua. Magpaka-asin sana tayo saan man magpunta.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, gawin Mo po akong maalat na asin. Help me to become a positive influence. Not so people can call me good but so they can see the difference that You are making in my life. Your glory always, never mine.

APPLICATION

At work, in school, or sa bahay, may nagsa-suggest bang gumawa ng masama? Puwedeng tungkol ito sa pangongopya, padding expense reports, o pagsisinungaling. Ask God to help you honor Him and do the right thing.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 3 =