24

FEBRUARY 2024

From Curious to Convinced

by | 202402, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Manuel Zabat II

May isang iginagalang na pinuno ng mga Judio. Siya ay si Nicodemo. Kabilang din siya sa grupo ng mga Pariseo. Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Guro, nalalaman po naming kayo’y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.”

Juan 3:12

Have you ever been curious about what it means to be born again? Kapag naririnig mo ang salitang ito, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Is it just another one of those religions, or does it mean something more profound and life-changing?

Ito rin siguro ang naging tanong ni Nicodemus when he first  encountered Jesus Christ. One fateful night, he had a conversation with the Lord that dramatically changed his view of God, the Kingdom, and salvation. Natutunan niya na ang pagiging parte ng kaharian ng Diyos ay isang himala na tanging Diyos lamang ang kayang gumawa. In John 3:6 (NIV) we read, “Flesh gives birth to flesh, but the Spirit gives birth to the spirit.” Ang himalang ito ay dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa ating lahat na maaari nating makamtan sa pamamagitan ng paniniwala at pagtitiwala sa Kanya. After hearing this, maaaring umuwi si Nicodemus nang may mas maraming tanong kaysa sa sagot, ngunit ito rin ang naging daan upang mas makilala niya si Jesus.

Hindi sa isang conversation nagtatapos ang kuwento ni Nicodemus. Later on, makikita natin siya na ipinagtanggol si Jesus Christ sa mga kapwa niya Sanhedrin (Juan 7). Ipinahayag niya rin ang kanyang faith nung tulungan niya si Joseph of Arimathea na ilibing ang katawan ni Jesus matapos siyang ipako sa Krus (Juan 19). His curiosity developed into conviction and later on, to a public confession of faith.

Curiosity about the divine is honored by God. Hindi Niya tinatanggihan ang lahat ng mga lumalapit sa Kanya. Kaya kung meron kang tanong tungkol sa Kingdom of God, kay Jesus Christ, at kung paano magkaroon ng born-again experience, lumapit ka lang sa Panginoon at buksan mo ang iyong puso sa Kanya. Sabi nga Niya sa Jeremiah 29:13, “You will seek me and find me when you seek me with all your heart.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, allow me to learn more about You and Your Kingdom. Allow Your Holy Spirit to change and give me a new heart to follow and obey You.

APPLICATION

Curiosity about divine matters is an invitation for us to commune with God. Kung may mga tanong ka about the Christian faith, you can read the Bible, pray to God,and get counsel from your Christian relatives and friends.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 2 =