25
FEBRUARY 2024
Nasaan ang Hustisya?
Ang nais niya ay kat’wira’t katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.
Awit 33:5
Anong nasa news ngayon araw na ito? Maraming nakakalungkot na balita. Murders, rapes, robberies, at kung anu-ano pang mga di kanais-nais na bagay. We sigh and think, hay, ganito talaga siguro ang mundo, walang hustisya!
Ngunit nais ni Lord na magkaroon ng hustisya o katarungan sa mundo. Ang Bible ay puno ng verses showing God’s love for justice. Sabi Niya, “For I, the Lord, love justice. I hate robbery and wrongdoing” (Isaiah 61:8, NLT); sinabi rin sa Psalms, “For the Lord is righteous, he loves justice; the upright will see his face” (11:7, NIV). Ang pagiging just o makatarungan ay isa sa mga pangunahing katangian ng Diyos, and reflects His love.
God’s love for justice is demonstrated in His actions. Maraming examples sa Bible kung saan makikita natin ang Diyos na namamagitan sa mga mahihirap at inaapi, tulad ng orphans, widows, prisoners, atbp. He hears the cries of the poor and the needy. He also calls us to do the same, na wag talikuran ang mga inaapi at nangangailangan ng katarungan.
Therefore, our love for justice should manifest in our actions, as we seek to serve and love those who are most in need, lalo na sa ating community at bansa. So, as we reflect on the love of God, let us also reflect on His love for justice — and how He calls us to love justice too.
LET’S PRAY
Panginoon, I pray na ang Pilipinas ay maging isang bayan na naninindigan sa kung ano ang tama at makatarungan, at nagtatanggol sa mga mahihirap at naaapi. I-convict po Ninyo kami, sapagkat Ikaw ang aming Diyos, ang Diyos ng pag-ibig at katarungan, na kasama namin sa bawat hakbang.
APPLICATION
Ngayong taon, bakit hindi ka mag-commit na suportahan (through your prayers, time, finances, or other resources) ang isang ministry o organization na nagtatrabaho para sa hustisya at katarungan sa ating bansa?