13
DECEMBER 2023
From What If to Even If
Kung nabubuhay man kami sa mundong ito, hindi naman kami nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng mundong ito. Ang sandatang gamit namin sa pakikipaglaban ay hindi sandatang makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na nakakapagpabagsak ng mga kuta. Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.
2 Mga Taga-Corinto 10:3–5
Sa isang araw, ilang what ifs ang iniisip mo na nagiging dahilan kaya hindi ka makatulog sa gabi? What if meron akong malalang sakit? What if hindi ako maka-graduate? What if matanggal ako sa trabaho? What if maaksidente ang mga mahal ko sa buhay? What if manakawan kami? What if malugi ang negosyo namin? What if hindi na ako makapag-asawa o magka-anak? And the list goes on.
May solusyon diyan! Isang powerful habit ang makakatulong sa atin. Let’s replace our what ifswith even ifs. This new routine will become our turning point because fear says, “what if,” whereas faith says, “even if!” Halimbawa naiisip mo na what if matanggal ako sa trabaho dahil sa global recession, palitan mo ito ng even if mawalan ako ng trabaho ngayon, hindi ako pababayaan ng Diyos. Bibigyan Niya ako ng trabaho at opportunities. Gawin mo ito sa tuwing makaka-isip ka ng negative at mga bagay na hindi ayon sa salita ng Diyos.
Ganito ang sinabi ni Paul sa mga taga-Corinto: “Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo” (2 Mga-Taga Corinto 10:5).
Importanteng Sa Diyos sumusunod ang ating isip at hindi sa kaaway. The “even-if faith” knows how to trust the most powerful God. Hindi siya nakadepende sa kanyang nakikita kundi sa character mismo ng Diyos. Even if things don’t go according to our plans, we trust that God knows what He’s doing, and we can always rest in His love. Makaranas man tayo ng matitinding pagsubok, ipinangako ng Diyos na Siya ay kasama natin sa kahit anong trials. Kung tunay tayong nananampalataya at nagmamahal sa Diyos, ang Kanyang purpose at kabutihan ang mananaig sa buhay natin (Romans 8:28).
LET’S PRAY
Lord, tulungan Ninyo akong baguhin ang aking pag-iisip at palagi itong sumunod sa Inyo. Alam kong hindi Ninyo hahayaang manaig ang kaaway sa aking buhay. Sa Inyo lamang ako naniniwala at nagtitiwala.
APPLICATION
In your journal list down your “what ifs” in the left column, and your “even ifs” in the right column. Declare and believe the good things that God will do in your life despite the “even ifs.”