2
FEBRUARY 2026
Gaano Ka Ka-Passionate Lumapit kay Lord?
Welcome to our new series, “Walking on Water with Jesus.” Hindi laging madali ang lumapit kay Lord. Buti na lang, Jesus has made a way for us to confidently come to Him. Pakinggan natin ang encouragement from our devo today.
Sinabi ni Pedro, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, hayaan mong ako’y pumunta sa iyong kinaroroonan diyan sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.”
Mateo 14:28–29
Kilala si Apostle Peter na passionate sa kanyang actions. Nung hinuhugasan ni Jesus ang paa ng disciples at ni-request niyang isama na pati ang kanyang mga kamay at ulo (John 13:9). Nung tinaga niya ang tenga ng isa sa mga humuli kay Jesus (John 18:10). Nung lumangoy siya papuntang pampang para puntahan ang muling nabuhay na si Jesus (John 21:7–11).
Kaya hindi nakapagtatakang malaman na before doing all of the previously mentioned things, siya ang naglakas-loob na bumaba ng bangka sa gitna ng bagyo at maglakad papunta kay Jesus. Napakalaking step of faith! Hindi lang niya ni-request kay Jesus na patunayan na Siya nga ang lumalapit sa kanila, hiniling pa niya na siya mismo ay makapaglakad din sa tubig!
Tingnan ang response ni Jesus sa kanya. Hindi Niya pinagalitan si Peter. Hindi Niya ito tinawanan. Instead, inimbitahan niya si Peter to step out of the boat, have faith, and come to Him.
Ganito ba tayo ka-passionate when it comes to approaching Jesus? Can we boldly ask Him to prove that He is who He says He is? At ready ba tayong lumabas mula sa ating comfort zones para lang mapalapit sa Kanya?
Sabi sa Mga Hebreo 4:16, “… huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.” Naiintindihan ni Jesus ang pinagdadaanan natin, ang mga kahinaan at temptation na pumipigil sa atin na lumapit sa Kanya. And because of this, dapat may confidence tayong maglakad in faith toward Him, dahil alam nating na-secure na Niya ang mercy that we need.
Gusto mo bang lumapit kay Jesus pero may pumipigil sa iyo? Be encouraged by Peter’s passion, at buong tapang ka ring lumapit sa Panginoon.
Kaya maging confident sa paglapit sa Panginoon. Abangan bukas ang next part ng ating series na “Walking on Water with Jesus.”
LET’S PRAY
Dear Jesus, thank You for securing the mercy we need para makalapit kami sa Iyo confidently. Bigyan Mo ako ng pusong passionate na lumapit sa Iyo at all times. Amen.
APPLICATION
Na-encourage ka ba sa devotional na ito? Puwede mo rin itong ibahagi sa iba. Just click the Share button and bless them with God’s Word today.
SHARE THIS QUOTE
