3

FEBRUARY 2026

Gaano Kabilis Lumapit si Jesus sa Atin?

by | 202602, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Joshene Bersales

Welcome back to our series, “Walking on Water with Jesus.” Kahapon, we were encouraged to boldly approach the Lord. Today, let’s learn another important lesson kung paano nagre-respond si Jesus kapag lumalapit tayo sa Kanya.

Nang malalampasan na niya ang mga alagad, nakita ng mga ito na siya ay lumalakad sa ibabaw ng tubig … Takot na takot silang lahat, ngunit agad na sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!”

Marcos 6:48-50

Narinig mo na ba ang tungkol sa Jesus Christ lizard? Ito ang nickname ng basilisk lizard, isang butiki na kayang maglakad sa ibabaw ng tubig. Gamit ang malalakas na binti at paa, kayang tumakbo ng basilisk lizard sa tubig para takasan ang mga humahabol dito. Pero ilang metro lang ang kaya nitong abutin bago ito lumubog dahil sa gravity.

Tulad ng basilisk lizard, kaya ring maglakad ni Jesus sa ibabaw ng tubig. Tatlo sa apat na Gospels sa Bible ang may tala tungkol dito (Matthew 14:22–33; Mark 6:45–52, John 6:16–21). Pero ano ang pinagkaiba ni Jesus at ng butiking nanghiram ng Kanyang pangalan? Una, hindi mahihila ng gravity si Jesus kung hindi Niya ito papayagan. Pangalawa, kahit malalakas ang alon at hangin sa dagat, kaya itong tawirin ni Jesus nang walang problema. Pangatlo, hindi Siya naglakad palayo sa mga humahabol sa Kanya, kundi palapit sa Kanyang mga alagad.

Imagine this scene: Heto si Jesus, ang Anak ng Diyos, ang pinakadakilang tao sa mundo, mabilis na naglalakad para maabutan ang mga alagad Niya. Sa bilis ng lakad Niya, nalampasan na Niya ang bangkang sinasakyan ng disciples!

Hindi ba nakakatuwa ang larawang ito? Si Jesus, nag-speed walking sa gitna ng bagyo? Pero more than this delightful image, maganda itong reminder kung paano Siya lumalapit sa atin habang lumalapit tayo sa Kanya in faith. 

Jesus is always ready to meet us halfway. Madalas, more than halfway pa! At kung paano Siya nakapaglakad sa tubig sa gitna ng bagyo, kaya rin Niyang lumapit sa atin sa kabila ng malalakas na alon ng ating pag-aalinlangan. Handa Siyang sumakay sa bangka ng ating buhay at payapain ang hangin ng ating mga pangamba. Kailangan lang nating lumakad palapit sa Kanya, at pasakayin Siya sa ating bangka.

What a relief that Jesus meets us halfway in our walk in faith! Abangan bukas ang last part ng ating series na “Walking on Water with Jesus.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, salamat sa pagsalubong sa akin kapag lumalapit ako sa Iyo. Hindi ko kailangang matakot sa mga bagyo dahil kasama Kita. Amen.

APPLICATION

Maghanap ng video ng basilisk lizard. Puwede ka ring mag-research ng iba pang hayop na kayang tumakbo sa ibabaw ng tubig. Use them as reminders kung paanong patuloy na lumalapit si Jesus sa iyo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 15 =