18
AUGUST 2024
Gawing Magaan ang Buhay
Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya’y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
Mateo 6:26
Naisip mo na ba kung paanong nakakalipad ang mga ibon? Obviously, they use their wings to fly. Pero may iba pang features ang katawan ng mga ibon that turn them into flying machines. They have lightweight beaks and feathers. Their bones are hollow, not dense. And their wings are streamlined and adjustable. Hindi sila mabigat kaya sila nakakalipad. It’s amazing how God meticulously created the birds so they can fly!
Ginamit ni Jesus na illustration ang mga ibon when He taught the people a lesson about trusting in God. The birds of the air seem so carefree, palipad-lipad. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya’y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng Diyos na lumikha sa kanila (Mateo 6:26). But in God’s eyes, we humans are certainly much more valuable than birds, so it follows that God will also care for us. The key is not to worry; instead, seek God and trust Him always.
God, our Creator, designed the birds to fly at maging magaan ang kanilang buhay. The same God, our Heavenly Father, created us to have a relationship with Him. He wants us to trust in Him concerning all areas of our lives. When we stop worrying and trust in Him, nagiging magaan ang buhay natin. Hindi nga ba’t sinabi ni Jesus na lumapit sa Kanya ang lahat ng nahihirapan at nabibigatan sa buhay para mabigyan Niya ng kapahingahan? (Mateo 11:28) Huwag nating pabigatin ang buhay; ipagkatiwala natin sa Diyos ang lahat ng bagay.
if you know someone who need this message, why not share it with them and invite them to tune in tomorrow for the second part of our series “Magaang Buhay!” See you tomorrow!
LET’S PRAY
Salamat po, Ama, sa Inyong araw-araw na pangangalaga sa akin. Ayaw Ninyong mabigatan ako, kaya ipinagkakatiwala ko sa Inyo ang lahat ng pasanin ko sa buhay.
APPLICATION
Watch some birds as they fly or learn more about them by reading articles or watching videos. Let the birds remind you of God’s care for you.