17

AUGUST 2024

Daig Pa ang CCTV

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by PMVClapano

Bawat kilos ng tao’y tinitingnan niya, ang bawat hakbang nito’y di lingid sa kanya.

Job 34:21

Lahat ng sikreto mo, malalaman niya. Lahat ng tinatagu-tago mo, mabubuking dahil sa kanya. Mga bago mong gamit, hindi makakalampas sa malilinaw niyang mata. Ang mga sinasabi mo kahit sa loob ng bahay, aabot pa rin sa pandinig niya. Sino siya? Siya ang tinaguriang CCTV ng inyong barangay. Ang iyong friendly neighborhood Spider…este, ang iyong butihing kapitbahay na mahilig magtanong ng, “Mare, ano’ng latest?” In short, ang Marites ng buhay mo.

Kahit parang CCTV si Marites sa buhay mo, nothing beats the OG or original CCTV ng mundo. He is none other than God, the one who created Heaven and Earth (Genesis 1), the one who is present everywhere, all the time. At dahil si God ang lumikha ng lahat, He is above all things and holds all things together.

If God is present everywhere, makakaasa tayong hindi natutulog ang Diyos. Nakikita Niya ang bawat kilos ng mga tao sa mundo, mabuti man o masama ang ginagawa natin (Mga Kawikaan 15:3).

Nakasisiguro din tayong hindi lang tsismis ang habol ni God sa atin kagaya ni Marites. Dahil maganda ang plano ni Lord for us (Mga Taga-Filipos 1:6), hindi Niya tayo sisirain, hihintaying magkamali, at ipagkakalat sa iba ang ating mga kahinaan. He even promised na sasamahan Niya tayo sa matitinding hamon sa buhay tulad ng sinabi sa Isaias 43:2, “Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.”

Kaya sa mga panahong naiisip natin na mag-isa lang tayo, tandaan natin na si God ay kasama natin. Daig Niya ang CCTV dahil sa oras ng kagipitan, sasaklolo Siya sa ating pangangailangan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, salamat po for reminding me na meron akong Diyos na powerful. Thank You for being present everywhere at all times. Alam ko po na hindi Mo ako pababayaan dahil nakikita Mo ako saan man ako magpunta at anuman ang aking ginagawa. The best ka! Thank You, Lord.

APPLICATION

Kailangan mo ba ng makakausap? Kailangan mo ba ng mapaghihingahan ng iyong saloobin? I-click lang ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 13 =