26

JANUARY 2025

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya’y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.

2 Mga Taga-Corinto 5:21

May isang usisero na tumambay sa isang mahjungan. Minasdan niya kung papaano sila maglaro ng mahjong. Bigla na lang sila nagulantang dahil may raid na naganap. Isa-isang dinampot ng mga pulis ang mga naroon. Lahat ng nagsusugal, ang may-ari ng mahjungan, at nasama rin ang mga usisero. Diniretso silang lahat sa kulungan. Laking pagsisisi ng usisero dahil napadaan lang siya, pero nasabit siya. “Bakit pati ako naparusahan, wala naman akong ginawang mali?”

Naramdaman mo na ba ang ganitong paghihinanakit ng usisero? Wala ka namang kasalanan, pero ikaw ang pinagbibintangan, o ikaw ang dumadanas ng mapait na kinahinatnan ng kasalanan ng iba. Masakit. Malungkot. Di makatarungan. At minsan, kahit i-share mo sa iba, ikaw pa rin ang mali. Huwag kang mangamba, hindi ka nag-iisa. May nakakaunawa sa iyo. Ganyan din ang na-experience ng ating Panginoong Jesus. Siya na walang sala ay matinding pinarusahan para sa ating kasalanan. Di nga lamang Siya falsely accused, di lamang physically tortured and abused, iniwan pa Siya ng mga kaibigan at kapamilya. Ang matinding pagdurusa ay kinailangan Niyang maranasan upang maunawaan ang anumang klaseng struggle o suffering na ating dadaanan. He sees. He knows. Kaya, lakasan mo ang iyong loob! Tahan na dahil gets ka talaga Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, salamat at Ikaw ang umako sa aking mga kasalanan para ako ay mapatawad at malayang lumapit sa Diyos Ama. Thank You for suffering physically, emotionally, mentally, even spiritually, for my sake. Thank You for completely understanding my struggle. And like You, alam kong may purpose ito sa buhay ko. Be my wisdom and strength. Amen.

APPLICATION

Can you identify with these feelings: angry, hurting, lonely, forsaken, forgotten, empty, despairing, used, neglected, unseen, unheard? Reflect on Jesus’ life. When do you think he struggled with those feelings? Thank Him for overcoming these times so that you, too, may overcome.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 4 =