7
JULY 2024
Ginalingan Masyado
Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong maging masigasig upang mapatunayan ninyong kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung ganito ang gagawin ninyo, hindi kayo matitisod.
2 Pedro 1:10
“Sipag naman,” biro ng isang officemate kay Tan nang mapansin na focused pa rin ito sa trabaho kahit 4:30 p.m. na. “Tingnan mo, ikaw na lang nagwo-work dito.”
Natawa lang si Tan sa hirit ng kasama. “May 30 minutes pa kaya!”
“’Wag mo masyadong galingan,” pang-aasar ng isa pang ka-opisina. “Hindi naman mataas magpasuweldo itong kumpanya.”
Naranasan mo na bang matukso dahil ginalingan mo masyado ang trabaho mo? Puwedeng para ito sa isang research paper sa school, o task for work, o assignment sa church. Na parang sobra-sobra ang effort mo sa expected reward na matatanggap mo sa huli.
Kung titingnan kasi natin ang standards ng mundo, hindi nga naman smart na magpakahirap tayo kung hindi naman mare-recognize ang effort na ibibigay natin. Bakit hindi na lang tayo gumawa ng magpapasaya sa atin, like mamasyal sa mall, matulog, o magbabad sa social media? Ginawa na naman natin ang bare minimum, ‘di ba?
Pero sabi ni Apostle Peter sa 2 Pedro 1, shinare sa atin ni Jesus ang mga kailangan natin para “makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos” (v. 4). Nilista rin ni Peter ang qualities na dapat nating idagdag sa ating faith, tulad ng kabutihan, pagiging matalino, self-control, pagtitiyaga at pagiging maka-Diyos (vv. 5–6). Kapag pinalago natin ang qualities na ito, naipapakita natin sa iba na pinili at tinawag tayo ng Diyos.
Puwedeng hindi ma-recognize ng ibang tao ang extra effort natin sa ating work. Puwede pa nga tayong masabihan na bida-bida o papansin. Pero si Jesus, nakikita Niya lahat ng ating ginagawa. At kung magiging tapat tayo sa pag-develop ng qualities na binigay Niya sa atin, for sure, makukuha natin from Him ang ating best reward.
LET’S PRAY
Jesus, salamat dahil binigay Mo lahat ng kailangan ko to be more like You. Tulungan Mo po akong hindi mapagod mag-effort para makita ng ibang tao na tinawag at pinili Mo ako. Amen.
APPLICATION
Magbigay ng extra effort sa isang task this week. Balikan ang qualities na nakalista sa 2 Peter 1:5–7 at tingnan kung ano sa mga ito ang puwede mo pang ma-develop.