20
AUGUST 2026
Giving Even When You Have Nothing
Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo, ang inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa sa inihulog nilang lahat. Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng biyudang iyon, bagama’t siya’y mahirap, ay ang buo niyang ikinabubuhay.”
Marcos 12:43–44
Gaya ng kuwento sa Bible tungkol sa isang biyudang nagbigay ng dalawang singkwenta sentimo (ang tanging halagang meron siya), ganito rin ang dinanas ni Margie. Kasabay ng pagpapagamot ng kanyang anak, kinailangan niya ring tulungan ang kapatid na naaksidente, kaya nagpatong–patong ang bayarin ni Margie. Kulang pa ang pera niya na pambayad para sa bills, pero nang oras na ng pagbibigay sa simbahan, inihulog niya ang tanging perang hawak niya. Alam kasi ni Margie na ang lahat ng bagay ay nagmula sa Panginoon at marapat lamang na ibalik ang para sa Kanya.
Dahil tapat ang Panginoon sa Kanyang salita, hindi Niya pinabayaan si Margie. Kalakip ng pagsunod ni Margie sa Salita ng Diyos, nabigyan siya ng medical assistance ng ilang government agencies para sa kanyang anak. Bukod pa rito, biglang nagkaroon ng malaking pagpapala ang kapatid na dati niyang tinulungan, kaya naman nakapagbigay pa ito ng pera kay Margie. Kabilaan din ang tawag ng kliyente sa kanya at may malalaking proyektong ibinigay sa kanya. Ang perang natanggap ni Margie, higit pa sa kailangan niya para sa buwang iyon.
True to His promise, when we give something to God, He gives back beyond measure. (Luke 6:38). Kaya anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, subukan mo si Lord. You may be struggling financially, but your heart wants to give to God’s ministry. Go for it! Makikita mong tapat Siya sa mga taong sumusunod sa Kanya.
Panginoon, thank You for this reminder na ang lahat ng bagay ay nanggaling sa Inyo kaya marapat lang na ibigay ko ang para sa Inyo.
LET’S PRAY
Make me a cheerful giver, kahit sa mga panahong parang wala akong kayang ibigay. Gusto ko pong maging tapat sa Inyo. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Consider donating to God’s ministry by clicking the heart button in the app and become a part of CBN Asia’s ministry, proclaiming Christ and transforming lives.
SHARE THIS QUOTE
