3
MARCH 2025
Goal-Oriented
Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.
Mga Taga-Filipos 3:14
Majority ng mga successful people ay goal-oriented. Ang successful na believer ni Jesus ay ‘yung tumanggap at sumusunod sa Diyos ayon sa Kanyang pagkatawag. All believers are called to something, and it is our duty to pursue and press on toward our goal dahil lahat ng ginagawa natin sa mundong ito will contribute to reaching our ultimate goal — to be with Jesus for eternity.
According to Mark Murphy, the founder and CEO of LeadershipIQ.com, a HARD goal is an achieved goal. Murphy tells us to put our present cost into the future and our future benefit into the present. Ang ibig sabihin nito ay dapat ibigay natin ang lahat ng meron tayo para ma-achieve natin ang ultimate goal natin. Mahalaga din na magkaroon tayo ng idea kung ano ang future benefit of being with Christ for eternity para mas ma-motivate tayo na ma-achieve ang ating goal.
Ang sabi naman ni Apostle Paul, press on. Hindi dapat tumigil sa pag-abot ng ating goal. Whatever it takes, ika nga. Dapat din na ma-recognize natin na sa pag-abot ng goal, maraming hadlang or obstacles para ma-achieve ito. This is where pressing on is important. Tiyaga ang tawag ng iba dito. Tiyaga sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Tiyaga sa pagwi-witness sa iba ng love at forgiveness ni Jesus kahit na marami ang tumatanggi. Tiyaga sa pananalangin at marami pang iba.
My friend, panghawakan natin ang pangako ng Diyos sa atin. Maging laser-focused tayo sa pag-achieve ng ating goal to live in eternity with Jesus. Lahat ng ating ginagawa sa mundong ito, sa biyaya ng Diyos, ay bahagi ng ating pag-achieve sa ating goal.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, patuloy na bigyan Mo ako ng kalakasan at tibay na ma-achieve ko ang ultimate goal — to be with You in eternity. Help me face everyday with love and grace, in Your name I pray. Amen.
APPLICATION
Ilista sa Prayer List ang challenges na iyong kinakaharap sa pag-achieve ng iyong goal. Lift them up to the Lord and trust in His grace.
SHARE THIS QUOTE
