19
OCTOBER 2025
God Is Awake
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising! Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang.
Awit 121:4–5
Nabalitaan ba ninyo nang nanakawan ang isang museum ng mahahalagang artifacts dahil nakatulog ang security guard? Huling-huli sa CCTV ang pangyayari. How about the excited bakasyonista who planned her dream trip but missed her flight kasi nag-oversleep naman siya? Di umubra ang alarm niya. Unfortunately, nagkabuhol-buhol ang plano niya at nagdoble-doble pa ang gastos niya dahil napasarap ang tulog niya. And of course, that all-too-familiar running late for class and missing a major exam or an opportunity to be part of an exciting project kasi di nakabangon on time.
Buti na lamang, sabi sa Bible, ang Bantay natin sa langit never sleeps nor slumbers. Alam ni Lord ang nangyayari sa atin, sa ating paligid, sa lahat ng oras. Wala Siyang nami-miss, lagi Siyang on schedule at tanging ikabubuti natin ang nasa isip Niya. Di ba binantayan niya si Daniel sa lions’ den? Iniligtas din niya si Jonah sa mapinsalang dagat at si David mula sa spear ni Saul. Sa sobrang alert ng ating Tagapag-ingat, hindi kataka-taka that even today, Siya ay nagsisilbing kanlungan ng bawat magulang na nag-aalala sa anak, ng bawat motoristang sasabak sa daan, ng bawat sundalong haharap sa digmaan. Siya ay kublihan ng bawat pusong nangangamba. Sa katunayan, isa sa Kanyang Hebrew names ay ang Elohim Shomri, which means “God is my Protector.”
May takot ka ba, kapatid? Do you need God’s protection? Paghugutan natin ng lakas ang katotohanan sa kinaugalian ng isang nanay at kanyang anak tuwing bedtime. Bago patayin ang ilaw, the mom would say, “When everybody is sleeping …” tapos tuwang-tuwa na sasagot ang anak nang walang takot, “God is awake.”
LET’S PRAY
Always attentive, always aware, always awake, that is what You are, Elohim Shomri. And I can run to you each time. Salamat na higit Ka sa kinatatakutan ko. Salamat at ako ay Iyong iniingatan. Amen.
APPLICATION
The Bible says that God is our shield at all times. Minsan di tayo aware pero inilalayo Niya tayo sa panganib sa araw-araw. Reflect on your past week and think of two to three possible ways God spared you from trouble and thank Him.
SHARE THIS QUOTE
