27
AUGUST 2022
God’s Amazing Grace
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.
Mga Taga-Efeso 2:8–9
Napakaganda ng pangalang “Grace.” Ikinakapit din ang salitang grace sa suwabeng paggalaw, pagiging magalang, at willingness na maging fair and honest. Pag sinabi namang “say grace,” ang ibig sabihin ay magpasalamat bago kumain. At ito pa, ang grace ay tumutukoy din sa period bago mangyari ang isang bagay. Kaya kapag sinabing may isang buwan kang grace period para magbayad ng utang, aba, magsaya ka dahil binigyan ka ng palugit nang walang penalty.
Sa Bible, ang grace ay tumutukoy sa pabor ng Diyos sa tao. Ayon sa website na biblehub.com, the idea of grace is that God freely extends Himself and reaches out to people because He is disposed to bless them. Because of God’s grace, Siya na mismo ang umaabot sa atin para pagpalain tayo. Kaya nga, isinalin ang salitang grace sa Tagalog na “biyaya,” “kagandahang-loob,” o “kabutihan.” Kahit hindi tayo karapat-dapat, pinagpapakitaan tayo ng Diyos ng biyaya. Ito ang punto ng Ephesians 2:8–9: Naligtas tayo dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Maling isipin na maliligtas tayo sa kaparusahan at pagkaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng pagiging mabuti, pagsasagawa ng ritwal, pagsunod sa kautusan, o pagsali sa isang religious group. Ang lahat ng ito ay hindi sapat, kapos, hindi katanggap-tanggap sa Diyos kahit na nga gaano pa tayo kasigasig sa paggawa nito. Kung batay ito sa ating paggawa ng mabuti, anong sukatan na sapat na ang ginawa natin para maligtas? Kung batay ito sa pagtupad sa mga ritwal at pagsunod sa kautusan, paano kung pumalya tayo? Sa totoo lang, hindi natin nasusunod ang lahat ng kautusan!
Kaya sa halip na magmalaki, buong pagpapakumbaba nating tanggapin ang biyaya ng Diyos. Paniwalaan natin na tanging si Jesus ang daan ng kaligtasan. Ipagpasalamat natin ang kabutihan Niya at magsaya tayo dahil Jesus paid the penalty for our sins. That’s why we need not fear being punished. That’s God’s amazing grace!
LET’S PRAY
Salamat, Panginoon sa kamangha-mangha Ninyong biyaya. Iniligtas Ninyo ako sa kasalanan dahil hindi ko Kayang iligtas ang sarili ko. Inabot Ninyo ako at pinagpakitaan ng kabutihan.
APPLICATION
Listen to “Amazing Grace.” Worship God as you sing along.