28

AUGUST 2022

Bati Kayo ni Lord

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Lara Quigaman & Written by Honeylet Adajar-Velves

Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya.

Juan 3:17

Naaalala mo ba noong bata ka pa at di ka makalapit sa kalaro mo dahil hindi kayo magkabati? Ayaw mong lumabas ng bahay dahil baka magkita kayo at mapahiya ka kasi iniisip mong hindi ka naman niya papansinin.

Ganito rin ang naging reaction ng pinakaunang mga tao nung mag-commit sila ng sin against God. Natatandaan mo ba si Adan at Eba? Sa sobrang hiya nila after nilang magkasala, na-realize nila na hubad sila, at nagtago sila kay God. They felt guilty and ashamed.

Hanggang ngayon, dala-dala natin ang ganitong natural instinct. Feeling natin, kapag may nagawa tayong mali, hindi na tayo bati ni Lord. Hindi na Niya tayo papansinin.Ayaw na nating magpray kasi baka hindi tayo pakinggan. Ayaw na rin nating makinig sa Word ni God kasi nalulunod tayo sa feelings of guilt natin. The devil, the great manipulator, wants us to believe this faulty thinking. Pero alam mo ba kung anong ginawa ni God matapos sabihin nina Adan na sila’y hubad? Dinamitan Niya ang mga ito ng animal skin to warm them. Ganoon Siya ka-gracious and merciful sa kanila. Of course this does not mean na wala nang naranasang consequences sina Adan at Eba, pero hindi ibig sabihin noon nagbago ang pag-ibig ng Diyos para sa kanila.

God did something even more mind-boggling para magkabati na tayo forever. Sabi nga sa Juan 3:17, isinugo ng Diyos si Jesus para iligtas ang mga tao. Hindi Siya naparito para i-condemn tayo sa ating mga pagkakamali. Kaya naman kahit gaano pa katindi ang ating kasalanan, huwag tayong mahiyang lumapit sa Kanya. Lagi nating tandaan, because of Jesus, bati tayo ni Lord.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Lord, alam ko pong ang dami kong kasalanan. I come to You right now, and I confess all my sins. Thank You for Jesus who died for me. Take the shame away, and make me see Your grace and goodness in my life. May You continue to transform me every day.

APPLICATION

Nahihiya ka bang lumapit kay Lord because of the sin you’ve recently committed? Take courage and confess it to God. Ma-eexperience mo ang overflowing grace Niya today.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 14 =