10
MARCH 2026
God’s Promise for the Bullied
Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan man.
Deuteronomio 31:6
Bumaba ang grades.
Gustong mapag-isa.
Madalas na may mood swings.
Ilan lamang ito sa mga bagay na biglang napansin ni Hannah sa kanyang 10–year–old daughter na si Candy. Isang araw, bigla na lang niya itong natagpuang walang malay sa kuwarto. Dali-dali nilang dinala sa ospital ang bata at naisalba mula sa pagka-overdose sa gamot. Sinilip nila ang kanyang cellphone, at nakita kung paano siya nabu-bully hindi lamang sa school kundi maging online. Dahil sa natuklasan, inilapit nila sa professional therapist si Candy. Nakakalungkot malaman na tila naniniwala na siya sa mga panlalait ng kanyang mga kaklase sa araw-araw so she wanted to end her life.
Ayon sa mga pagsasaliksik, 7.5% ng Filipino teenagers ang sumubok na tapusin ang sarili nilang mga buhay noong 2021. At kung iisipin, ni hindi pa nga matatawag na teenager si Candy, pero kasama na siya sa mga nagtangkang gawin ito.
May kilala ka bang nagdurusa dahil sa bullying? O ikaw mismo ang nakakaranas nito? Narito ang pangako ng Diyos na puwede mong panghawakan, “Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you” (Deuteronomy 31:6, NIV). At sa tuwing parang naniniwala ka na sa discouraging words ng ibang tao, remember that God also said, “Because you are precious in my eyes, you are honored, and I love you” (Isaiah 43:4 CEB). So, huwag kang makinig sa kasinungalingan ng mundo. Mahalaga ka at mahal ka ni Cristo!
LET’S PRAY
Lord, napakahirap pong humarap sa mga bully. Minsan naiisip kong baka naman nga totoong wala akong kuwenta gaya ng sabi nila. Bigyan po Ninyo ako ng lakas ng loob na harapin ang araw-araw nang may pag-asa. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
You may call 8737-0700 to reach The 700 Club Asia Prayer Request Center kung kailangan mo ng kausap. Maaari mo ring ichat ng iyong prayer request sa CBN Asia website or sa kanilang Facebook page. Remember, you are never alone.
SHARE THIS QUOTE
