3
SEPTEMBER 2026
GPS: God’s Presence is our Security
Dahil sa pananampalataya sa Diyos, sumunod si Abraham nang siya’y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Mga Hebreo 11:8
Walang mapa, GPS, o itinerary. Walang detalyeng ibinigay. Pero sumunod si Abraham sa utos ng Diyos na pumunta sa lugar na Kanyang ipinangako. Sa buhay natin, may mga pagkakataong kailangan nating lumakad kahit wala tayong kasiguraduhan. These uncertainties are inevitable tulad ng new direction sa career, bagong sisimulan na ministry, ending a long-term relationship na hindi nakabuti para sa iyo, o paglipat sa bagong city. In spite of lack of assurance, we can trust that God’s presence is our security. Mas maganda na kahit hindi tayo 100% sure ay may kumpiyansa pa rin tayo dahil kilala natin ang Diyos na tumawag sa atin.
Ano ang mga matututunan natin from Abraham’s obedience amidst uncertainty?
God requires faith and obedience. Minsan ay marami tayong tanong tulad ng “Lord, saan ba talaga? Paano ang mga iiwan ko? Anong plano Mo, Lord?” Pero si Abraham, nag-empake at humayo dahil mahalaga para sa kanya ang salita ng Diyos kaysa sa seguridad na galing sa mundo.
God often reveals as we walk, not before we walk. Faith means trusting the next step even when the full picture is blurry. Faith starts with taking the first step.
God’s presence is the plan. May pagkakataon na paulit-ulit tayong humihingi ng signs para ma-prove na mula ito sa Diyos. Pero kahit hindi natin alam kung saan tayo dadalhin, alam natin kung sino ating kasama. Dahil sa Kanya, merong direksyon sa gitna ng kawalan at may liwanag sa gitna ng dilim.
Blessings follow when we obey. Kung hindi sumunod si Abraham ay hindi niya mararanasan ang kabi-kabilang pagpapala ng Diyos. Obedience brings us to places of inheritance — blessings we might miss out on if we choose comfort over calling.
Hindi madaling lumakad in the midst of uncertainties, but we can be secured in His presence when we choose to obey.
LET’S PRAY
Panginoon, tulungan po Ninyo akong sumunod kahit hindi ko nakikita ang daang dapat kong tahakin. I trust that Your presence is my security amidst all uncertainties. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
APPLICATION
Journal your faith journey at isulat ang mga desisyong ginawa mo lately. Ipagkatiwala mo sa Diyos ang mga susunod na pangyayari.
SHARE THIS QUOTE
