1

NOVEMBER 2025

Grand Homecoming

by | 202511, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Edwin D. Arceo

Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababâ ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman. Kaya nga, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.

1 Mga Taga-Tesalonica 4:16–18

“Nami-miss ko ang sinigang ni Mama.”

“Hinahanap-hanap ko ang jokes ni Daddy.”

“Naaalala ko ang patience ni Ate sa akin sa pagtuturo ng mga lesson ko sa Math. Dahil sa kanya kaya ako naging accountant.”

Ilan lamang ito sa mga nasasabi natin kapag naaalala natin ang ating mga mahal sa buhay na yumao na. Naiisip natin sila lalo na ‘yung mga nagkaroon ng napakalaking part sa ating paglaki or sa nag-shape ng ating pananaw sa buhay na nagbigay-daan sa kung ano ang kinalalagyan natin ngayon. 

Madalas ay may halong lungkot kapag nagre-reminisce tayo. Normal lang naman ito dahil mahal natin sila at may malaking void na na-create sa ating puso noong sila ay nawala. Pero may iniwang pangako ang Panginoon sa Bible ayon kay Apostle Paul: Darating ang panahon na ang mga mahal natin sa buhay na miss na miss na natin ay muli nating makakapiling sa Kanyang Second Coming. 

Sabi sa huling part ng verse 16 hanggang unang bahagi ng verse 17 ng 1 Mga  Taga-Tesalonica 4:16-18, “… Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid …” Ang gandang pangako, hindi ba? And it is something that everyone should look forward to. Kaya huwag tayong malungkot dahil muli nating makakasama ang ating mga mahal sa buhay!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, salamat sa pangako Mo na sa pagbabalik Mo ay makakasama naming muli ang aming mga mahal sa buhay. You will wipe away our tears, our pain, our suffering, and bring us in Your presence to spend eternity. Amen.

APPLICATION

Ilista mo ang mga pangalan ng mahal mo sa buhay na hindi pa nakakakilala kay Jesus. Pray for each one of them so that when the time comes for Jesus’ return, makakasama natin sila sa buhay na walang hanggan.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 9 =