20
APRIL 2021
Gutom na Gutom
Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”
Mateo 4:4
Tayong mga Pinoy, mahilig kumain. At hindi lang basta kumain—mahilig tayo kumain ng marami at masasarap. Kaya hindi na nakakapagtaka na nauuso recently ang buffets o eat-all-you-can restaurants, pati food stalls at food parks. Food is life, sabi nga ng mga foodie.
Nasanay na nga tayo na palaging busog at may laman ang ating tiyan. Pero alam mo bang hindi lang tiyan ang dapat na binubusog natin araw-araw? Bukod sa ating pisikal na katawan, we also have a spirit to feed. At maaaring hindi tayo aware na busog nga ang ating tiyan pero baka gutom na gutom naman ang ating spirit.
Ang ating spirit ay ang bahagi ng ating pagkatao that relates to God. At ano ang pagkain ng ating spirit? Itinuro ni Jesus na tayo ay hindi lamang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos. Ibig sabihin pala, hindi lang puro pagkaing pisikal ang dapat nating kinakain. Kailangan din natin pakainin ang ating espiritu ng Salita ng Diyos. Alam ni Jesus ang Kasulatan noong kapanahunan Niya (Lukas 24:47; Mateo 12:3-7; Marcos 12:24-27; Lukas 17:26-29). So just like Jesus, let us also feed on God’s Word every day. Kailangan nating namnamin at ngatain ang Salita ni Lord upang lumakas tayo at maging malusog.
Naging malakas at matatag si Jesus laban sa panunukso ng diyablo dahil alam Niya ang nasusulat na Salita ng Diyos. Ito ang sikreto ni Jesus sa Kanyang tagumpay laban sa diyablo: alam Niya ang kapangyarihan ng nasusulat na Salita ng Diyos. Gusto mo rin bang maging spiritually strong and healthy kagaya ni Jesus? Huwag gutumin ang iyong spirit. Pakainin at busugin ito araw-araw ng Salita ng Diyos. Let’s pray.
LET’S PRAY
Lord, thank You for reminding me today na kailangan ko ring pakainin ang aking spirit. Help me to read and meditate on Your Word everyday. At sa aking pagkain ng Inyong salita, palakasin Ninyo ako. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Tuwing kakain ka ng tinapay, alalahanin mo ang Mateo 4:4. Huwag mong hayaang lumipas ang buong araw nang hindi ka nagbabasa ng Salita ng Diyos.