1

SEPTEMBER 2023

Hahatulan sa Takdang Panahon

by | 202309, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Timmy Yee

Sa loob-loob ko’y hahatulan ng Diyos ang masama at mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay.

Mangangaral 3:17

Isang magnanakaw ang malayang nakatakbo tangay ang ninakaw na cellphone. Sa isang kanto, isang traffic enforcer ang humihingi ng kotong sa nahuling motorista. Samantala, sa opisina man o eskwelahan, may nangyayaring di patas na pagtrato sa mga kawani at estudyante. Haay!

Sawa ka na ba sa korapsyon at kasamaan sa ating mundo? Hindi ka na ba umaasa na maaayos pa ang takbo ng pamahalaan, kahit sino pa ang mamuno sa gobyerno? Hindi ka nag-iisa, kaibigan. Sa kasaysayan ng mundo sa kahit anong bansa, mayroong korapsyon sa iba’t ibang kaparaanan. Ito ay dahil sa kasalanan na siyang nagtutulak sa tao na maging masama. Wala na ba itong katapusan?

Ang sagot ay oo, meron. Ang solusyon ay si Jesu-Cristo na siyang nagpatawad sa kasalanan ng sanlibutan at nagbabago sa puso ng tao. Kung kikilalanin ng bawat isa ang Panginoong Jesus, tiyak na magkakaroon ng transformation ang mga taong bumubuo sa lipunan. Kaya kung ikaw ay nakay Cristo na, you can be an instrument of God’s justice and inspire change. Hindi man ganap ang makita nating katuwiran at katarungan sa panahong ito, makakaasa tayo na sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesus sa hinaharap, hahatulan Niya ang lahat. Gaya ng sabi ng Mangangaral 3:17, “… hahatulan ng Diyos ang masama at mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat po, O Diyos, na pinatawad Ninyo ang kasalanan ng sanlibutan dahil sa sakripisyo ng Inyong Anak na si Jesus, at lahat ng nagsisi’t nanampalataya sa Kanya ay ligtas. Salamat, dahil may pag-asa ang aming kinabukasan. Sa gitna ng mundong may injustice at korapsyon, patatagin po Ninyo ako at gamitin na ehemplo ng pagbabago.

APPLICATION

Maglista ng ilang konkretong paraan kung paano mo maipapakita ang pagiging patas at makatuwiran. Sa biyaya ng Diyos, gawin ito sa angkop sa pagkakataon.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 5 =