18

DECEMBER 2024

He Is Not Done Yet

by | 202412, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Mil Matienzo

Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo.  

Mga Taga-Filipos 1:6

Bilang mga tagasunod ni Jesus, we are called to holiness. Totoo na hindi ang ating mabubuting gawa ang nagligtas sa atin, pero ang kaligtasan ay dapat magbunga ng mabubuting gawa. It is such a glorious calling to be the representatives of Christ in this broken world, reflecting Christ sa ating mga iniisip, ginagawa, at pakikipagkapwa. Pero madalas, hindi natin ito nagagawa.

Living holy lives worthy of Christ is not an easy thing to do; the truth is, we still commit sin from time to time. Napakaganda ng reminder ni Paul sa mga taga-Filipos, at sa atin din sa kasalukuyang panahon, na sa kabila ng ating pagpalya sa pamumuhay nang banal, si Cristo pa rin ang ating tanging pag-asa. Si Cristo na nagpatawad sa ating mga kasalanan ang magtatama sa atin, magbabangon sa atin, at magbabalik sa atin sa landas na dapat nating lakaran. Magpatuloy tayo sa pagsunod kay Jesus dahil sa biyaya Niya, tayo ay nahuhubog.

We are all works in progress. Walang sinuman sa atin ang perfect na ang pamumuhay. Lahat tayo ay nasa proseso ng pagkahubog, and God is not yet done with us. Kung patuloy tayong magtitiwala kay Jesus at aasa sa Kanyang kapangyarihan, lalakas ang ating loob at hindi tayo agad susuko. Huwag tayong magsawa sa mga correction at discipline ng Diyos sa atin (2 Timothy 3:16). Kung masaktan man tayo sa paghubog sa atin ng Diyos, tandaan natin na bahagi ito ng pagdidisiplina ng Diyos at bahagi ng proseso so that we can be more and more like Christ.

In our struggles, hardships, and failures, God is working in us. Panghawakan natin ang katotohanang ito at maging gracious tayo sa ating mga sarili. As we extend grace to ourselves, let us be gracious to others also. God is not yet done with any of us. He promised that He would finish the work that He started in all of us.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for saving me. Salamat po sa patuloy Ninyong paghubog sa akin. Tulungan Ninyo akong patuloy na magtiwala na hindi Ninyo ako bibitawan.

APPLICATION

Claim the truth based on Philippians 1:6 that God will complete the good work He has done in you and in other people. Reflect on how you can extend grace to yourself and others.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 10 =