27
NOVEMBER 2024
Heaven Is My Home
Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Doon magmumula ang Tagapagligtas na hinihintay natin nang may pananabik, ang Panginoong Jesu-Cristo.
Mga Taga-Filipos 3:20
Sa panahong ito na sagana ang social media content, napakaraming videos ang mapapanood online of people traveling and experiencing new things in new places. Nakakatuwang manood ng mga travel vlogs dahil sa panood mo, para ka na ring nakapunta doon sa lugar na pinuntahan nung pinapanood mo. Travelling to new places is always an exciting experience for many people pero may kabilang side din ito. As enjoyable as travelling is, para sa maraming tao, coming back home is still something to look forward to. Ika nga sa isang sikat na linya mula saThe Wizard of Oz, “there’s no place like home.”
This is a good reminder din para sa atin na nananampalataya kay Jesus. Ayon sa Bible, this world is not our home. Ipinangako ni Jesus sa Kanyang salita na babalik Siyang muli and He will make all things new. Tulad ng sinabi ni Paul sa mga taga-Filipos, ang langit ang ating tunay na bayan — ang ating true destination at totoong tahanan.
Kaya’t wag tayong ma-distract sa mga panandaliang aliw at walang halagang mga bagay dito sa mundo. Yes, it is OK to enjoy things, pero alalahanin natin na hindi tayo taga-rito at iiwan din natin ang lahat ng mga ito. Para naman sa mga nabibigatan sa buhay na ito, puwedeng magsilbi itong encouragement sa atin na sa kabila ng pagod at paghihirap natin sa mundong ito na mas lalo pang gumugulo, nasisira, at sumasama, the promise of God remains true. He will come back for us and save us from the destruction of this world because we do not belong here. Jesus will take us to our home in heaven where He reigns as King forever. May we long for heaven while we live here on earth.
LET’S PRAY
Jesus, thank You for Your promise that heaven is my home. Help me glorify You while I live here on earth and look forward to my home in heaven.
APPLICATION
Meditate on the truth that heaven is our home. Examine your life if there are things on earth that you hold more dearly than this truth.