19

MAY 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo, tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.

Awit 68:5

Underdog ba ang tingin mo sa sarili mo? Feeling mo ba dehado ka sa buhay dahil hindi ka ipinanganak na mayaman, o wala kang connections sa mga importanteng tao? Hindi ka nakapagtapos or you didn’t go to the “right” school. O kaya wala kang extraordinary skills kaya hindi ka napapansin at hindi umaasenso. When things become too difficult, ang ending ba, nagpi-pity party ka na lang? 

Kapag lagi tayong nakikipaglaban just to survive, we may feel tired and discouraged. We may feel like we are all alone in the struggle, pero hindi ito totoo. In Psalm 68, isinulat ni Haring David na may espesyal na malasakit ang Panginoon sa mga ulila, balo, those who have no families of their own, at maging sa mga bilanggo (vv. 5–6). Kung sinuman ang pinaka-nangangailangan ng kalinga at tagapagtanggol, naroroon si Lord para sa kanila.

The Lord cares for you. At sabi nga sa Psalm 68:19, dinadala Niya araw-araw ang pasanin nating hawak. May pasanin man tayo sa buhay, gumagaan ito dahil kasama natin si Jesus (Mateo 11:28–30). May mga matinding pagsubok ka mang pinagdadaanan ngayon, at feeling mo dehado ka, know this: Hindi ka nag-iisa. Nariyan si Lord para iligtas at hanguin ka (v. 20). Makakaasa ka na pupuspusin ka Niya ng pagpapala (v. 10) para maginhawahan ka. Tumawag Ka ngayon sa Kanya at tanggapin ang Kanyang tulong.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, nasanay na akong kayanin ang mga problemang dumadating sa akin. When things become too difficult, nagagalit ako sa Inyo at sinisisi ko Kayo sa pinagdaraanan ko. Open my eyes para makita ko Kayo as my Father na kaya at handang punan ang lahat ng aking mga pangangailangan.

APPLICATION

Meditate on Psalm 68 and use it to believe for a turnaround in the difficult situation you are facing right now.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 1 =