18

MARCH 2022

Hindi Ka na Papatawan ng Parusa

by | 202203, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Marlene Munar

Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman … dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nag kanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

Isaias 53:4-6

May kahinaan at karamdaman. May kasalanan. May katigasan ang ulo. Ikaw ba ito? Oo, ganito nga tayo. Meron sa ating sakitin; ang iba naman ang kahinaan ay ang pagiging maramdamin. Huwag na nating ipagkumpara ang laki o liit ng kasalanan ng isa’t isa — lahat iyan, kasalanan pa rin. At may tatanggi bang matigas ang ulo niya? Kahit minsan sa buhay natin, may ipinagpilitan tayo na ikinapahamak natin. Kaya may magulang na sa tindi ng sakit na dinaranas ng anak, nasasabi niya tuloy, “Ako na lang sana ang nagkasakit at hindi ikaw, anak!” At para hindi mapagalitan ng ama ang anak na nagkasala, aakuin ng ina ang pagkakamali ng anak, o di kaya ay aaluin niya ang asawa para humupa ang galit niya. Hindi maiaalis sa magulang ang mahabag.

Lalo na sa Diyos Ama. Nahabag Siya sa kalagayan natin pero galit ang Diyos sa kasalanan at dapat Niyang parusahan ang mga nagkasala. Pero palibhasa’y Diyos Siyang mahabagin, pinatawad Niya ang masamang gawa natin (Awit 78:38–39). Dahil sa pag-ibig sa atin ng Diyos Ama at ng Kanyang Anak, nagpasya Sila na si Jesus ang mag-aalay ng Kanyang buhay. Siya ang humalili sa atin; sa halip na tayo ang tumanggap ng parusang kamatayan, kay Jesus ipinataw ng Ama ang parusa (Juan 3:16; Mga Taga-Efeso 5:2).

Naparusahan na si Jesus para sa lahat ng mga kasalanang nagawa natin at magagawa pa. Kung pinaniniwalaan mo ang katotohanang ito at nakipag-isa ka na kay Jesu-Cristo, wala nang kahatulang parusa sa iyo! (Mga Taga-Roma 8:1) Pero may isa pang kamangha-manghang balita: Nang nanampalataya ka kay Jesus, namatay ka na rin sa kasalanan (naputol na ang kapangyarihan nito sa iyo dahil nakay-Jesus ka na). Mamumuhay ka na ngayon ayon sa kalooban ng Diyos, at bilang maamong tupa, susunod na sa Pastol at Tagapangalaga ng ating kaluluwa (1 Pedro 2:24–25).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat po, Ama, na nahabag Kayo sa akin. Salamat, Panginoong Jesus, tinanggap Mo ang parusang dapat ay para sa akin. Purihin Ka!

APPLICATION

Dahil sa mga ginawa na ni Jesus para sa iyo ayon sa Isaias 53:4-6, ipagkatiwala mo ang lahat ng areas ng buhay mo sa Kanya. Hindi ka maliligaw!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 7 =