14

JUNE 2025

Hindi Madamot ang Tatay Ko

by | 202506, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Honeylet Adajar-Velves

God possesses all things, pero hindi Siya madamot. Iyan ang title ng devotion natin ngayon as we continue our series “The Characteristics of God.”

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!

Mateo 7:11

Christmas shopping has been one of Harley’s favorite traditions during holiday season. Kahit na siksikan sa mall, at matindi ang trapik pag-uwi, she finds joy kapag nakakahanap siya ng isang item na puwede niyang bilihin in bulk para ipamigay sa co-workers and friends niya.

However, after becoming a mom, this tradition has become an extra work, but nonetheless, also more special for her. Since her son loves educational toys while her daughter likes cute stuff gaya ng bags and other accessories, it takes her more time para isa-isahin ang aisles ng store at piliin kung ano ang mas bagay at ikakasaya ng kanyang mga anak. Moreover, unlike Santa who does not give presents to naughty children, hindi kayang tiisin ni Harley ang kanyang mga anak kahit na minsan ay pasaway ang mga ito. She takes delight in giving gifts to her kids.

Isipin na lang natin: Kung tayong mga tao na gaya ni Harley ay may ganitong perspective para sa ating mga anak, how much more ang ating Heavenly Father? Although God’s focus is not about possessing material things,  this does not mean that He is stingy. In fact, He finds joy in giving gifts to us. You can count the blessings you are experiencing right now, and you will find out that a whole day is never enough to finish counting. Ang sarap isipin na kahit gaano tayo karami sa mundong ito, He thinks of His children individually. At dahil kilala Niya ang bawat isa sa atin, our gifts are always customized depending on what we need and our personalities. Ganyan ka-special ang bawat isa sa Kanya.

Thank you for joining us today. Hindi pa tapos ang ating series na “The Characteristics of God.” See you tomorrow as we get to know the Living God!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father God, ang overwhelming ng pag-ibig Ninyo para sa amin. Thank You for always providing for us. At salamat po for reminding na anytime, hindi Kayo magdadamot sa amin at puwedeng-puwede kaming lumapit sa Inyo sa anumang kondisyon namin ngayon. Amen.

APPLICATION

Remember the gifts that you receive from our Heavenly Father. You can pay it forward by donating to the ministry of CBN Asia. We can spread God’s love and reach out to many people by clicking that heart button.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 5 =