9
JULY 2026
Hindi Masyadong Sorry
Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.
Mga Kawikaan 28:13
“Sorry, kung na-hurt ka pero kasi…”
“Sorry, gabi na pala pero paki-rush ‘to…”
“Sorry ha, pero…”
Siguradong familiar tayo sa ganitong mga simula ng pangungusap galing sa iba. O baka naman tayo ang mahilig mag-sorry pero may kasunod na salitang “pero.” ‘Yung nagso-sorry tayo pero ginigiit pa rin natin ang gusto natin. O ine-explain pa rin natin kung bakit tayo ang tama. Kumbaga, hindi tayo masyadong sorry. Yung pagsisising slight lang. Half-hearted apology with the agenda of preserving self and our own needs instead of sincerely repenting.
These types of apology, instead of helping the other party to heal, might make them feel insulted. This apology can invalidate their feelings and turn into like a second insult. “Sorry kung na-hurt ka pero kasi ikaw din naman, mali yung ginawa mo.” In some cases, half-hearted apologies do not totally show respect for others’ time. “Sorry gabi na pala, patulog ka na ba? Pero i-rush mo nga itong paper, kailangan ko na kasi.”
A genuine apology needs to come from a place of humility. Sabi nga ni Benjamin Franklin, “Never ruin an apology with an excuse.” Huwag tayong mema lang, masabi lang na nag-sorry pero pinipilit pa rin natin ang agenda natin.
Ganito rin kapag humihingi tayo ng tawad sa Diyos. We shouldn’t justify our actions. We shouldn’t bombard Him with excuses. At higit sa lahat, huwag ‘yung mema lang when we ask for forgiveness from God. He knows our hearts at alam Niya kung sincere ang ating paghingi ng tawad, o “just for the sake of confessing” kaya tayo nag-sorry.
LET’S PRAY
Dear God, tulungan Ninyo akong magpakumbaba para maging tunay ang pagsisisi ko sa aking mga kasalanan. Tulungan Ninyo rin po ako na maging humble in my dealings with our people. Give me humility so that my apologies are sincere, with the goal of mending my relationships.
APPLICATION
Bukambibig mo na ba ang mag-sorry kahit hindi ito bukal sa puso mo? The next time you are tempted to do this, think first and check the intentions of your heart.
SHARE THIS QUOTE
