10

JULY 2026

God’s Protection 2.0

by | 202607, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Honeylet Adajar-Velves

Kahit ako’y nagdaranas ng maraming suliranin, ako’y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.

Awit 138:7

Alam mo bang may innate mechanism ang ating katawan to protect itself sa tuwing nahaharap tayo sa panganib? Hindi lang iyan, sakaling masaktan man tayo mula sa aksidente, may natural response ang ating katawan to heal itself. Ang galing talaga ng pagkakagawa sa atin ni God, ano?

Sabi nga sa Psalm 139:1314 (ESV), “For you formed my inward parts; you knitted me together in my mother’s womb. I praise you, for I am fearfully and wonderfully made. Wonderful are your works; my soul knows it very well.” Isipin mo, God has the intention of protecting us even while He was still creating us in our mother’s womb. Sa simula pa lang hanggang sa ngayon, He is always there to protect us.

Anuman ang pinagdaraanan mo ngayon, know that God is watching over you. Maybe He is protecting you from a possible heartbreak kaya bigla kang na-ghost ng dine-date mo. O kaya naman, iniingatan ka Niyang maloko mula sa business venture na ino-offer sa iyo kaya biglang nagkulang ang dapat pangkapital mo rito. Or naubusan ka ng food sa isang event, only to find out na may sira palang pagkain na napa-serve at ikaw lang ang nakaligtas mula sa food poisoning. Puwede rin namang na-late ka ng gising today because God wants to protect you from a car collision na mangyayari sa kalsadang dadaanan mo. Kaya fear not, for God’s protection is there for you. In His sovereignty,He is in control of everything that happens to you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa araw na ito. Protektahan Ninyo po ako at ang aking pamilya mula sa masasamang plano ng kaaway. Alam ko pong hindi Ninyo kami iiwan at pababayaan. In Jesus name, I pray. Amen.

 

APPLICATION

Are you anxious about something? Memorize Psalm 138:7 and declare it with conviction whenever your faith seems to be wavering. Remember how God has intended to protect you even from the beginning. Be brave!

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 4 =