30
JANUARY 2026
Hindi Pala Sapat
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.
Mga Taga-Efeso 2:8–9
Fifteen years na lang at magre-retire na si Joseph. Nag-imagine na siya kung ano ang gagawin niya kapag hindi na siya nagtatrabaho at tumatanggap na lang ng pensyon. Ngunit laking gulat niya nang pinayuhan siya ng kanyang uncle. “Naku, Joseph. Napakaliit ng pensyon ko kahit ilang taon ako naghulog. Kulang na kulang ang natatanggap ko. Kung ako sa iyo, mag-invest ka for your retirement habang may oras ka pa.”
Nalungkot si Joseph sa kanyang nalaman. Ang ilang taon niyang paghulog para sa inaasam na retirement pay ay hindi pala sapat. Kailangan niyang gumawa ng bagong game plan para ma-secure ang financial future niya.
Importanteng planuhin ang retirement, pero mas importante na paghandaan ang afterlife. Sapat kaya ang mga nagawa mo sa lupa para makapasok sa langit? Will your good deeds satisfy the standards of the Lord?
Pinaalala ni Apostle Paul that being good on earth does not earn us a spot in heaven. The Lord has a higher requirement than man. At sa mata ng Diyos, makasalanan ang lahat and hindi papasa sa standards Niya. Sabi nga sa Romans 3:23 (NIV), “For all have sinned and fall short of the glory of God… .”
But despite our sin, the Lord still made a way for us to be with Him in paradise. Ang chance lang natin ay through Jesus Christ. His death is the only “good thing” for the Lord, at Siya lang ang naka-meet ng standards. So kanino ka magtitiwala para makarating ka sa langit? Sa good deeds mo or sa work ni Christ?
LET’S PRAY
Lord, thank You for allowing Christ to die on the cross on my behalf. My good deeds can never measure up. I now realize that only through Jesus can I see heaven. Thank You, Father, for this undeserved favor. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Have you come to a point in life where you trusted Jesus for your place in heaven? If not, click the Chat icon on this app, and someone will pray with you.
SHARE THIS QUOTE
