4
MAY 2022
Hindi Siya Malayo
Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati’y malayo sa Diyos ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.
Mga Taga-Efeso 2:13
“Ang layo ng Diyos, hindi ko Siya maabot.” Nasabi mo na ba ito? Siguro ganito ang nararamdaman mo ngayon, pero alam mo ba na gumawa na ng hakbang ang Diyos para maging malapit sa iyo? Oo, sa iyo at sa lahat ng tao. Siya ang nagkusang makipagbati sa tao sa pamamagitan ng Anak Niyang si Jesus (2 Mga Taga-Corinto 5:18–20). At kung tinanggap ninuman si Jesus bilang daan patungo sa Ama, tiyak na makakalapit Siya sa Kanya sa pamamagitan Niya. Kaya nga sa ating panalangin, sinasabi nating, “In Jesus’’ name.”
Hindi lang tayo inabot ng Diyos; Jesus also chose to live in us nang magpakumbaba tayo at imbitahan natin Siya sa buhay natin. Paulit-ulit na sinabi ni Apostle Paul sa mga sinulatan niyang believers that “Christ is in you” (Romans 8:10); “Christ lives in our earthen vessel” (2 Corinthians 4:6-7); “His Son is in me” (Galatians 1:15-16); “it is Christ who lives in me” (Galatians 2:20); and “Christ makes His home in our hearts” (Ephesians 3:17). Maging ang Holy Spirit ay nasa atin at tayo ang Kanyang templo (1 Mga Taga-Corinto 3:16).
Kaya huwag mong isiping malayo ang Diyos at mahirap Siyang maabot. Siya na ang umabot sa atin. Oo, dati tayong malayo sa Kanya nang hindi pa tayo nakikipag-isa kay Cristo, pero magmula nang tanggapin natin Siya, lagi na natin Siyang kasama. He may be invisible to our naked eye, but when we walk by faith, He will surely make His presence felt and His power manifested. Kaya hindi totoong malayo ang Diyos; inilapit ka na Niya sa Kanya at hindi na kailanman lalayo sa iyo.
LET’S PRAY
Panginoon, kapag pakiramdam ko ay malayo Kayo sa akin, pipiliin kong paniwalaan na nandito Kayo palagi sa puso ko at hindi Ninyo ako iniiwan. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Kapag feeling mo malayo ang Diyos, balikan mo ang Bible verses sa devo na ito — confess them, believe them. Nasa iyo na si Cristo.