3

MAY 2022

Balance or Burnout?

by | 202205, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi P. Buizon & Written by Felichi P. Buizon

Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya’t sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga kayo nang kaunti.”

Marcos 6:31

Sabi ng ilang experts, ang pagiging makalimutin ay resulta ng too much information. Dahil sa digital age, na-aaccess natin ang iba’t ibang klaseng impormasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. This information overload can cause too much stress. Mental fatigue. Oras na bang mag social media break?

Madalas nababalot tayo ng maraming intindihin — mga intindihin na walang planong tumigil o nagiging sagabal na sa ating kapakanan. Kaya naman, ailangang tayo na mismo ang gagawa ng paraan to come away at magpahinga. Tayong mga tao ay hindi refrigerator na pwedeng umandar 24/7. Kataka-taka kung bakit madalas tanggap tayo nang tanggap ng gagawin kahit hindi na kasya sa plato natin! Kaya naman, nauuwi ito sa impatso at disgrasya!

Kalooban ng Diyos na tayo ay magpahinga. The book of Genesis tells us na noong nilikha ang mundo, kahit hindi kailangang magpahinga ng Diyos, nagpahinga Siya to set an example para sa atin. Pero marami sa atin ang nagmamarunong. Narinig ba ninyo ang tungkol sa isang hangal na hari na nagdeklara sa kanyang nasasakupan na wala na araw ng pahinga? Tuluy-tuloy lamang ang paggawa para daw tumaas ang productivity. Nagkasakit ang kanyang mga tagasunod, at pati ang mga hayop na kanilang pinagtrabaho — nangamatay dahil walang pahinga. Goodbye, productivity! Huwag nating hintaying singilin tayo ng ating mga katawan at maging sapilitan pa ang pagpahinga. Avoid burnout by choosing to rest regularly.

Alam ng Panginoong Jesus ang reality of burnout kaya nang mapansin Niya na dumadami ang tao at hindi pa nakakakain ang mga alagad Niya, hinikayat na Niyang humiwalay sila sa hindi mataong lugar at magpahinga. Bakit hindi mataong lugar? Bawas ingay, bawas reklamo, bawas boses, bawas expectation. May pagkakataon tayong maka-meditate, makapag-isa at makapag-isip, maka-focus, makapag-pray, at marinig ang boses ng Panginoon.

Nagpakita rin si Jesus ng self-control. Napansin ba ninyo na ang tindi ng pangangailangan ay hindi laging priority? Some things can wait. Minsan para sa kapakanan ng mga nagsisilbi, kailangan ipagpaliban muna ang ibang bagay. Ang sabi ni Lord, mamahinga nang kaunti. On the other hand, hindi rin tama ang over rest. Regulation is key. So, are you ready to step aside and rest?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, patawarin Ninyo ako for neglecting my need to rest. Kung anu-ano ang hinahabol ko, napapabayaan ko na ang sarili ko. Tulungan Ninyo akong tumigil at manumbalik sa Inyo — ang tunay kong lakas at pahinga.

APPLICATION

Pumili ng isang kategorya: sleep, diet, exercise, and do something to improve the area you selected. Tell someone about it.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 10 =