16
JUNE 2026
Hinusgahan o Pinatawad?
“Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”
Juan 8:11
Matagal nang hindi pumupunta sa church si Carla. Isang beses, naimbitahan siya sa isang youth service pero nag-alinlangan siyang pumasok. “Feeling ko huhusgahan lang nila ako,” ang sabi niya. “Alam nila ‘yung mga pagkakamaling nagawa ko.” Matindi ang takot niya, hindi lang sa Diyos, kundi sa rejection ng iba.
But that night, tila para sa kanya ang mensahe — tungkol ito sa babaeng nahuli sa akto ng kasalanan — isang babae na dinala sa harapan ni Jesus para mahatulan. Habang nakikinig si Carla, unti-unting nababasag ang pader ng shame at guilt sa kanyang puso. Naiyak siya at sa halip na condemnation, grace and forgiveness ang natanggap niya mula kay Lord.
Sa John 8:3–11, may babaeng hinarap kay Jesus dahil nahuli siya sa akto ng adultery. Handa siyang ma-stone to death ng mga religious leaders noon, ang parusa ayon sa batasn. Pero sa halip na husgahan siya, yumuko si Jesus at nagsulat sa lupa. Tapos ay sinabi Niya, “Ang sinumang walang kasalanan sa inyo ang unang bumato sa kanya.” Isa-isa silang nagsialis, wala ni isa ang nakapukol ng bato.
Naiwan si Jesus at ang babae — isang napakatahimik pero makapangyarihang sandali. At doon, sinabi ni Jesus, “Ni ako ay hindi ka hinuhusgahan. Humayo ka na’t huwag ka nang magkasala.”
This is the heart of God. He is righteous pero hindi kulang sa mercy, grace, and love. Hindi tinolerate ni Jesus ang kasalanan, pero hindi rin Niya winasak ang pagkatao ng babae. Sa halip ay binigyan Niya ito ng bagong pag-asa.
Tulad niya, God is speaking to you today about your past — all the sins, brokenness, pain, and mistakes. Handa ka Niyang bigyan ng bagong simula kung pipiliin mong isuko ang buong buhay mo sa Kanya.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa grace and mercy sa kabila ng mga pagkakamali ko, pinatawad Mo ako, binigyan ng bagong buhay, at inibig ng lubusan. Tulungan Mo po akong mabuhay ayon sa kalooban Mo. Amen.
APPLICATION
Ask yourself today: May mga tao rin bang nagkamali sa akin na tinatawag akong patawarin sila? Paano ko rin sila mamahalin gaya ng pagmamahal ni Jesus sa akin?
SHARE THIS QUOTE
