17
JUNE 2026
Walk of Faith
Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kanilang pananampalataya.
Mga Hebreo 11:2
Marahil ay narinig mo na ang tungkol sa Walk of Fame, ang iconic landmark sa Los Angeles, California. Sa kahabaan ng Hollywood Boulevard, may 2,800 names of artists in film, TV, radio, theater, and athletes na nakaukit sa bronze star. Lahat sila ay may proven history of professional excellence tulad nina Frank Sinatra, John Lennon, BarbraStreisand, Michael Jackson, at iba pa.
Opened in 1960, it has become a popular tourist attraction, attracting 10 million visitors each year. Simula sa 2026, masasama na sa Walk of Fame ang ating kababayang si Lea Salonga. Siya ang kauna-unahang Filipino celebrity to be included in this landmark.
According to the nomination, “This recognition is not just for extraordinary talent, but for everything she represents: excellence, integrity, and cultural pride.”
Kung may Walk of Fame sa Hollywood, meron din tayong maituturing na Walk of Faith. The Bible identifies men and women of faith in Hebrews 11. Nandoon sina Abraham, Jacob, Joseph, Rahab, at iba pa. The reason for being cited is their faith as the Bible says, “At dahil sa kanilang pananampalataya, nag-iwan sila ng isang kasaysayang hindi makakalimutan kailanman. Ang lahat ng mga ito, bagama’t may mabuting patotoo dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi tumanggap ng ipinangako, sapagkat may mas magandang plano ang Diyos para sa atin, upang sila’y hindi maging ganap malibang kasama tayo” (Mga Hebreo 11:39–40).
Sa panahon natin ngayon, kung merong Walk of Faith, makikita kaya ang pangalan natin? Ano kaya ang mababasa ng mga taong bibisita sa Walk of Faith? Kung ang Walk of Fame ay nakatuon sa achievement ng celebrity, nakatuon kaya sa Panginoong Jesus ang buhay natin sa Walk of Faith? Mababasa kaya roon ang paglilingkod natin sa King of kings and Lord of lords? Let’s try to live lives that will qualify us for the Walk of Faith.
LET’S PRAY
Lord, tulungan po Ninyo ako na pagbutihin ang aking ginagawa sa school o work. By faith, I want to run the race that You’ve set before me and finish it well.
APPLICATION
Imagine na gusto mong mapasama ang pangalan mo sa Walk of Faith. Isulat sa isang papel ang gusto mong mailagay tungkol sa iyong pananampalataya. Halimbawa: Maria de Jesus: Nagtiyaga sa pagiging guro sa Mountain Province.
SHARE THIS QUOTE
