30

APRIL 2025

How Can We Remain Hopeful?

by | 202504, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Yna S. Reyes

Paano tayo mananatiling puno ng pag-asa sa buhay? Alamin sa last part ng ating series na “Pag-asang Panghabambuhay.”

Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng ating Diyos Ama na umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin ng hindi nagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang maipahayag ninyo at maisagawa ang lahat ng mabuti.

2 Mga Taga-Tesalonica 2:16–17

Hope is one of the marks of a true Christian. Hope is the expectation that God will fulfill His plan for all His children in the new heaven and the new earth (Revelations 21:3-4). Hope is the assurance that everything wrong in this life will be put to right when Jesus returns to reconcile the world to Himself (Colossians 1:20). And while we wait for that glorious day, we can remain hopeful.

How can we remain hopeful? Unang-una, make sure na may relasyon ka kay Jesu-Cristo. Only He is our Living Hope (1 Pedro 1:3). Siya ang nag-alay ng buhay sa krus ng Kalbaryo to save us from sin and eternal doom. Siya lang ang makakapagbigay sa iyo ng “isang buhay na masagana at ganap” (Juan 10:10) at ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16). At Siya lang ang nangakong lagi mong magiging kasama hanggang sa katapusan ng panahon (Mateo 28:20). 

Ikalawa, let the Word of God encourage you at all times, in every situation. Maglaan ng oras daily sa pag-meditate ng Scripture. “Anumang naisulat noon ay isinulat para sa ating ikatututo . . . [at para tayo ay] magkaroon ng pag-asa” (Mga Taga-Roma 15:4). Isapuso ang mga pangako sa Bible para sa iyo at sa lahat ng sumasampalataya sa Diyos. When you feel down and discouraged, go to the book of Psalms. Gawin mong personal prayer ang mga tula, iyak, sumbong, at lament na isinulat ni Haring David at iba pang psalmists.  

Ikatlo, trust the Lord in everything — your plans, your challenges, your problems, your struggles. He is faithful. Sabi nga ni Apostle Paul, “Natitiyak kong ang mabuting gawang sinimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo” (Mga Taga-Filipos 1:6). Mabuti, marunong, at makapangyarihan ang Diyos Amang nagmamahal sa iyo.  

 Maraming salamat na sinamahan ninyo kami ngayon. KIta-kits uli tayo bukas!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, salamat po sa matibay na pag-asa na sa Iyo lamang matatagpuan. Ngayon at sa araw-araw, bigyan Mo ako ng matatag na kalooban na ipahayag at gawin ang lahat ng mabuti, all for Your glory. Amen.

APPLICATION

May kapamilya o kaibigan ka bang nawawalan na ng pag-asa sa buhay? Bisitahin siya o imbitahang mag-merienda, i-encourage siya from the Word of God, at ipag-pray.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 11 =