29
JULY 2024
Huwag Mag-alala, Manalig sa Diyos Ngayon Din
“Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Mateo 6:34
Ang dali-daling mag-alala tungkol sa malalaki at maging maliliit na bagay. Lalong nagiging totoo ito kapag bago sa iyong karanasan ang problema o pagsubok na pinagdadaanan. Nagiging agitated tayo, at kung saan-saan lumilipad ang isipan natin para lang makahanap ng solusyon. Minsan, nalilimutan din nating kumain, maligo, o matulog kakaisip ng dapat gawin. Puwede ring humaba ang pagdurusang ito dahil iniisip natin kung paano malulutas ang problema bukas, sa susunod na araw, at sa susunod pang araw, etc.
Kaya ang utos ni Jesus sa Mateo 6:34 ay napakagandang pamamaraan ng paglutas ng alalahanin: huwag isipin ang bukas, kundi ituon ang iyong lakas sa kasalukuyan. Kunwari ay nawalan ka ng trabaho at unti-unting nauubos na ang iyong ipon o emergency fund. Harapin mo ito na paisa-isang hakbang lamang. Mag-budget ka ng pera para sa iyong gastusin sa araw na iyon. Huwag mo munang isipin ang pangkain mo kinabukasan. Maglaan ka ng oras para maghanap ng trabaho sa mga job-finding websites o sa LinkedIn, pero bigyan mo din ang sarili mo ng cutoff para makapagpahinga ka nang maayos. Huwag magpakapagod nang sobra dahil meron pang bukas.
Higit sa lahat, isapuso mo ang utos ni Jesus. Siguro’y alam Niya na malilimutan natin Siya habang sinisikap nating lutasin ang ating paghihirap. Kapatid, manalig ka sa Diyos! Siya ang ating lakas, kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Tumawag ka sa Kanya kapag kailangan mo ng tulong, at tiyak na tutulungan ka Niya.
LET’S PRAY
Dear Jesus, You know how much I worry. Help me to focus on You. Give me wisdom to solve my problems and concerns as I tackle them one day at a time according to Matthew 6:34.
APPLICATION
What problems seem daunting to you right now? Pray and ask God for help, then break down your concerns into small action steps that can help you reach your goal. Remember to approach them one day at a time.