17
JULY 2024
I Am Sorry
Magpasensiya kayo sa isa’t isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.
Mga Taga-Colosas 3:13
“I am sorry,” para sa iilan madali lang ang humingi ng sorry kapag nagkamali or naka-offend sila. Pero marahil sasang-ayon ka na isa rin ito sa mga pinakamahirap bigkasin na salita lalo na para sa mga taong naniniwala na nasa tama naman sila o di kaya naman ay nasanay na lang sila na palipasin lang ang sama ng loob ng iba sa kanila.
Jona and Aya have been friends for two decades. Marami na silang ups and downs na pinagsamahan, pero dahil sa isang offense, nagkaroon ng lamat ang friendship nila. Aya got offended with Jona’s behavior. Noong una ay sinubukan pa niyang intindihin ang kaibigan, pero kalaunan, minabuti niyang umiwas na lang din sa kanya.
A year after ay nagkita sila sa isang party. Niyakap ni Jona si Aya at mapagpakumbabang nakiusap na mag-usap sila. “Aya, I am sorry! Nasaktan kita. Na-realize ko na dapat kong i-value ang mga relationships na meron ako sa buhay ko. Noong malaman ko na magkikita tayo dito, I planned na makipag-usap na sa iyo nang personal. Namimiss na kita, at napapanaginipan na rin kita. Naging insensitive ako sa iyo. Nasanay ako sa ugali ko noon, pero iba na ngayon kasi natuto na ako. I am sorry.”
Sa buhay, mararanasan natin ang masaktan at makasakit ng kapwa. The Lord doesn’t undermine our pain nor ignore our need for justice. Tinuturuan Niya tayong magpatawad at humingi ng kapatawaran dahil kalooban Niyang pag-ibig ang maghari sa puso natin.
When we forgive and ask for forgiveness, always remember Jesus’ love and grace for you and me. Allow yourself to feel the pain but always choose to dwell more on His love. Forgiveness can accomplish more than you can ever imagine.
LET’S PRAY
Lord Jesus, I ask for Your forgiveness. It has been hard for me to forgive those who have hurt me, but today I chose to forgive because Your love is greater. Heal my heart as I forgive those who sinned against me. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
May tao ka bang hindi pa napapatawad o kailangang hingan ng kapatawaran? Pray and ask God for strength to forgive or ask for forgiveness. Let Jesus’ love reign.