25

APRIL 2025

“I Love Mankind … It’s the People I Cannot Stand!”

by | 202504, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Jose Silvestre C. Gonzales

Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.”

Juan 15:12

Sinabi ni Linus ang quote na ito: “I love mankind… It’s the people I cannot stand!” Si Linus ay isa sa mga character ng popular comic strip na Peanuts. Ito ay isinulat at idrinrowing ni Charles Schulz, isang sikat na cartoonist ng USA. Naging kilala sa Pilipinas ang Peanuts comic strip bandang mga 80s.

May katotohanan ang sinabi ni Linus. Marahil ay naranasan mo yung pagkakataon na mahirap talagang magmahal ng ating kapwa lalo na yung mga taong sa tingin mo ay nagte-take advantage sa iyo o ginugulangan ka.

Struggle na ngang magmahal ng ating kapwa, itinaas pa ng ating Panginoong Jesus ang standard — “Love your enemies.” Kung noong mid-70s ay may sikat na TV show na “Kapwa Ko, Mahal Ko,” ito naman, ang peg ay tila “Kaaway Ko, Mahal Ko.”

Ginagawan ka na nga ng masama, mamahalin mo pa. Di ba mahirap gawin yon?

Noong mga 80s, nauso rin yung slogan na “Love people, use things.” Pero ngayon, malimit nating pinagbabaliktad ito at nagiging, “Love things, use people.” Mas mahalaga ang mga bagay at hindi yung mga tao. Tila nagiging materialistic tayo. At ginagamit natin ang mga tao para sa ating selfish ends.

Kamakailan si Jun ay umattend ng prayer meeting. Dahil may importanteng meeting pa siyang pupuntahan, nagmamadali siyang umalis sa church para di ma-late sa susunod na appointment. Nagda-drive siya sa Quezon Ave papuntang UP at nagsignal siya papunta sa kaliwa nang may isang motorsiklo na tumapat sa kaliwa niya at nagsignal na papunta sa kanan. Dahil sa kanyang pagmamadali, binilisan niya ang takbo ng kotse — at ganoon din ang motorsiklo. Naggitgitan sila sa gitna ng Quezon Ave. Buti na lang, wala namang masamang nangyari.

Pagkatapos ng insidente, naitanong ni Jun sa sarili: “Kagagaling ko lang sa prayer meeting, bakit hindi ko na lang pinagbigyan yung motorbike driver? Papaano kaya kung naaksidente pa kaming dalawa? Mas malaking abala.” Napatunayan niyang kailangan niya talaga ng tulong ng Diyos para magawa niyang mahalin ang kanyang kapwa.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan po Ninyo akong mahalin ang kapwa ko, lalo pa nga na kung minsan ay nakakaaway ko sila.

APPLICATION

Maging mapagpasensya this week sa mga taong nakakainis o palagi mong nakakabangga sa school o opisina. Ipanalangin mo na tulungan ka ng ating Panginoon na maging pasensyoso sa mga susunod na araw.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 14 =