6

MARCH 2024

Ibibigay Kahit ang Lahat-Lahat

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Honeylet Adajar-Velves

Welcome back to our series “G!” kung saan ibinabahagi natin ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa generosity at pagtulong sa kapwa. Let’s listen now to a surprising story about generosity.

Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng biyudang iyon, bagama’t siya’y mahirap, ay ang buo ng kanyang ikinabubuhay.

Marcos 12:44

Maraming social experiment videos ang nagkalat ngayon sa social media at sa isa sa mga ito, isang inspiring response ang ipinakita ni Joe. Kulang ng $2 si Zach para mabili ang regalo para sa anak kaya humingi siya ng tulong sa isang lalaki upang mabili ito. Agad siyang tinanggihan nito ngunit narinig ni Joe ang problema ni Zach kaya naman bumunot siya ng $5 para bilihin ang laruan. Nang tanungin ni Zach kung bakit siya tinutulungan ni Joe, agad itong sumagot ng, “Because I have cancer and it would really bless me if you let me help you.” Feeling sorry si Zach matapos marinig ang kondisyon ng matanda pero sabi ni Joe, “You dont have to feel sorry for me. Im going to beat cancer by Gods grace.” Maya-maya ay nag-abot ng $1,000 cash si Zach para ibigay kay Joe. Laking gulat ni Joe dahil akala niya ay kailangan talaga ni Zach ng pera, pero it turns out this was just a test.

Bagamat kailangan ni Joe ng pera sa pagpapagamot sa kanyang karamdaman, hindi siya nagdalawang isip bumunot ng dolyar at tumulong sa nangangailangan. Napakaganda rin ng kanyang mindset na “He would be blessed if he helps others.”

Joe’s response is the very same principle God is teaching us in Mark 12:44. Dito, ibinigay ng widow ang lahat-lahat ng meron siya. Sa tuwing nagbibigay tayo sa mga nangangailangan, hindi lamang tayo nakakatulong physically sa mga tao, kundi kay God talaga tayo nagbibigay. At gaya ni Joe, alam niya na when we give to God, beyond measure ang babalik sa atin (and in his case, He has faith that he will be healed). Higit sa $1,000 ang kayang ibigay ng Panginoon in just a snap. He can even give you divine healing, promotion, restoration of relationship, and breakthrough na matagal mo nang ipinapanalangin.

Kapag inalala natin na ang lahat ng meron tayo ay Diyos ang nagbigay, magiging madali sa atin ang magbigay sa ating kapwa. Thank you for joining us in our short series, “G!” Kita-kits tayo uli bukas for another fresh message from the timeless Word of God.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for blessing me with all the things I have today. Turuan po Ninyo ang puso kong magbigay Sa Iyo at makatulong sa kapwa ko. May I be a blessing to someone today. Amen.

APPLICATION

You can click the Donate button and help Operation Blessing and CBN Asia reach out sa mga taong nangangailangan through their medical missions and disaster reliefs.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 15 =